Dating misis ni Raymond Bagatsing buhay Reyna na
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2018 - 12:00am

Nasaan nga ba ang actress na si Lara Fabregas, ex-wife ng actor na si Raymond Bagatsing at anak ng veteran actor na si Jaime Fabregas?

Lara is now a plain housewife sa kanyang mayamang Scottish businessman-husband na nagnga­ngalang Philip at meron na silang dalawang anak na parehong lalaki – sina Dexter (11) at Milo (10).

Sina Lara at Philip ay ikinasal sa Hong Kong in 2005. For sometime ay namimirmihan si Lara sa London kung saan may bahay ang kanyang husband pati sa Scotland pero madalas umanong naa-assign si Philip sa ibang bansa including Dubai.

Nakarating kay Lara ang balita na nag-asawang muli ang kanyang ex-husband na si Raymond in 2008 sa isang US-based Filipino reporter na si Cora Pastrana na mahigit 20 taon ang tanda sa kanya pero mukhang hiwalay na rin ang dalawa dahil matagal nang bumalik ng Pilipinas ang actor upang ipagpatuloy ang kanyang career dito habang nasa Los Angeles, California, USA pa rin si Cora.

Matapos mapanood si Raymond sa Pusong Ligaw TV series nung isang taon ay kasama rin siya ngayon sa tumatakbong bagong panghapong TV series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na siyang comeback TV project ni JM de Guzman with Barbie Imperial as his leading-lady.

Nung bago pa lamang sa showbiz si Raymond ay naging girlfriend niya noon ang singer-actress-TV host na si Shirley Fuentes na meron nang isang teen-aged son sa isang Japanese national.

Benjie ayaw pumapel sa pakikipag-aayos ng mga anak kay Jackie

Mukhang tahimik lamang ang dating cager-turned actor-comedian na si Benjie Paras sa muling pagiging close ng dalawa niyang elder sons na sina Andre at Kobe Paras sa kanyang ex-wife na si Jackie Forster. Maging ang misis ngayon ni Benjie na si Lyxen Diomampo ay hindi rin nakikisakay sa closeness ngayon ng mag-iina.

Hindi maikakaila na sobrang na-miss ni Jackie ang kanyang dalawang anak sa dating asawa kaya bumabawi siya sa mga ito ngayon na nauunawaan naman ng kanyang present husband na isang American businessman kung kanino may tatlong anak ang (da­ting) aktres.

Sobra-sobra ang pasasalamat sa Diyos ni Jackie dahil dininig ang matagal na niyang panalangin na muling makapiling at mapalapit sa kanya ang dalawa niyang anak sa dating mister na si Benjie.

Shyr mag-isang tinaguyod ang apat na anak

Sa recent press launch ng BeauteDerm sa kanilang kauna-unahang perfume origin series (Alpha, Radix and Dawn) with young actor Arjo Atayde as brand ambassador, nagulat kami nang makita namin doon ang aktres na si Shyr Valdez (Cecile Cobarrubias in real life) na isa sa mga dating ambassadress ng BeauteDerm at ngayon ay tumatayong manager ng brand na pinamumunuan ng president-CEO na si Rhea Tan.

Liban sa kanyang showbiz career bilang actress at pagiging manager ng BeauteDerm (with several branches all over the Philippines at maging sa ibang bansa) si Shyr is also into cons­truction business.

Si Shyr ay panganay sa apat na anak ng dating movie producer na si Cherry Cobarrubias. May apat din siyang anak sa magkakaibang ama na mag-isa niyang iginapang. Ang kanyang panganay na si Shyr Cobarrubias (29) ay nagtapos ng HRM ay may asawa na isang piloto at meron na silang isang anak (kaya lola na rin si Shyr). Ang second daughter niya ay si Alyssa (27) ay nagtapos ng Interior Design at kasalukuyang nagtatrabaho sa New York, USA habang ang dalawa niyang younger boys na sina Rafael (23) at Gabriel (19) ay parehong nag-aaral ng AB-Masscom at Business Administration respectively.

Thankful si Shyr na hindi siya nawawalan ng trabaho at ipinagmamalaki niya na mababait ang kanyang apat na anak.

Malaking bagay din kay Shyr ang maganda niyang PR kaya marami siyang kaibigan in and out of showbiz.

BENJIE PARAS LARA FABREGAS RAYMOND BAGATSING SHYR VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with