^

PSN Showbiz

Jake hindi na kayang punuin ang MOA, Araneta!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Jake hindi na kayang punuin ang MOA, Araneta!

Hanggang maliitang venue na lang

SEEN: Paliit nang paliit ang venue ng mga concert ni Charice Pempengco aka Jake Zyrus dahil turn off na sa kanya ang karamihan sa fans at supporters niya. Ang maliliit na concert venue ni Jake ang sign ng dahan-dahan na pagbaba ng kanyang popularidad bilang singer.

SCENE: Mas marami ang mga local celebrity na nanood ng 24K Magic World Tour Manila concert ni Bruno Mars sa Mall of Asia Arena noong May 3 kesa sa show ni Harry Styles sa same ­venue noong May 1.

SEEN: Pinakiusapan ni Bruno Mars ang audience ng concert niya sa Mall of Asia Arena na huwag gumamit ng mga cellphone at mag-enjoy na lamang sa panonood.

SCENE: Ang public display of affection nina Jak Roberto at Barbie Forteza nang panoorin nila ang unang gabi ng concert ni Bruno Mars sa Mall of Asia Arena.

SEEN: Spotted sa Bruno Mars concert si Jackie Forster at ang kanyang anak na si Kobe Paras, kasama ang bestfriend ng aktres na si LJ Moreno.

SCENE: Tumanggi si Janella Salvador na magkuwento sa presscon ng So Connected tungkol sa kanyang soulmate dahil hindi raw ‘yon ang proper venue at event para pag-usapan ang tao na tinutukoy niya.

SEEN: Ang So Connected ang unang movie team up nina Janella Salvador at Jameson Blake. Ang Regal Entertainment Inc. ang producer ng So Connected na may playdate sa May 23, 2018.

SCENE: Inglesera, matalino at mahusay magsalita si Chai Fonacier, ang indie actress na pinuri ang acting sa Patay na Si Hesus at Res­peto. Cast member si Chai sa So Connected.

SEEN: Nag-aalburoto ang mga supporter ni RS Francisco dahil hindi ito nominado sa best actor category ng FAMAS Awards 2018. Si RS ang bida sa Bhoy Intsik at pinararatangan ng kanyang mga supporter na “bayaran” ang FAMAS Awards pero iniintriga rin ang pagwawagi niya ng best actor trophy sa Star Awards for Movies.

24K MAGIC WORLD TOUR MANILA

BRUNO MARS

CHARICE PEMPENGCO

JAKE ZYRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with