^

PSN Showbiz

Parang si Sarah, Vice feeling empty din kahit nasa kanya na ang lahat!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Parang si Sarah,  Vice feeling empty din  kahit nasa kanya na  ang lahat!

Naranasan din umano ni Vice Ganda ang nangyari kay Sarah Geronimo nitong weekend. Matatandaang napaiyak at biglang umalis ang Pop Princess sa entablado habang kumakanta sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Vice ay ganito rin ang kanyang naramdaman dalawang linggo na ang nakalilipas. “I felt I was empty. Sabi ko, ‘Bakit gano’n? Ang dami kong pera, blockbuster ang mga pelikula ko, hit ang mga shows ko pero bakit hindi ako masaya?’” bungad ni Vice.

Ayon sa komedyante ay hindi talaga maganda ang dulot nito sa kanyang katawan at isipan kaya minsan na rin naisip na iwan na ang showbiz. “We had to meet a doctor and asked for professional help. Hindi ako nakakatulog, nagkakaroon ako ng anxiety attack. May mga atake sa akin na nahihirapan akong magtrabaho. I even thought of leaving muna. Nagpaalam na nga ako sa management. Tinanong ko, baka pwedeng hindi na ako mag-film fest? Pwede bang magbawas ako ng show? Naging gano’n ako,” kwento niya.

Naliwanagan lamang umano ang isipan ni Vice nang makausap ang mag-asawang sina Ogie Al­casid at Regine Velasquez.  “Lahat tayo may purpose, lalo na kami. Ang laking binigay sa ­aming blessings. Ang laking obligasyon nito at ito ay may purpose kaya sa amin ibinigay. ‘Yung devil pinag­lalaruan ang utak namin para hindi namin ma-serve ‘yung purpose namin. Everyday naka-mind set ako na I have to be happy. I embrace my happiness and my blessings and I serve my purpose everyday,” pagbabahagi ni Vice.

Paulo natuklasan ang bagong buhay ni Bea

Ipinagmamalaki ni Paulo Avelino ang pelikulang Kasal na pinagbibidahan nila nina Bea Alonzo at Derek Ramsay. Ito ang ang unang handog ng Star Cinema para sa kanilang ika-25th anibersaryo.

Para kay Paulo ay kaabang-abang ang bawat eksena nila sa bagong pelikulang ipalalabas mula May 16. “It talks about so many things, about relationships and even beyond that. Even the dark secrets that are being kept. And there will be unexpected scenes that viewers wouldn’t expect,” pahayag ni Paulo.

Habang ginagawa ang nasabing proyekto ay maraming mga bagay umano ang natuklasan ng aktor kay Bea. “Something I discovered new about her, si­guro nag-lifestyle change siya. Lifestyle change, meaning she eats healthy and she works out more often,” kwento ng aktor.

Samantala, bukod sa Kasal ay excited na rin si Paulo sa pagpapalabas sa mga sinehan ng Goyo: Ang Batang Heneral sa September. Gumanap ang aktor bilang si Gregorio del Pilar sa nasabing historical film. “I think ginagawa muna nila lahat ‘yung post, specially ‘yung CG and tsaka na muna nila pagdedesisyunan kapag lumabas na ‘yung print,” pagtatapos ni Paulo.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with