^

PSN Showbiz

Matteo kinumpirmang pagod si Sarah!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Matteo kinumpirmang pagod si Sarah!
Matteo at Sarah

Naging kontrobersyal ang pag-iyak at pag-alis ni Sarah Geronimo sa entablado habang kumakanta sa kanyang concert sa Las Vegas, Nevada kamakailan. Nagkaroon ng mga espekulasyon na posibleng may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nina Sarah at kasintahang si Matteo Guidicelli. Agad namang nag-post ang aktor sa Instagram ng larawan nila ni Sarah na nakatalikod at magkahawak ang mga kamay habang naglalakad sa beach.

Ayon sa aktor ay wala namang dapat ikabahala ang mga tagahanga dahil talagang napagod lamang umano si Sarah dahil sa sunud-sunod nitong concert. “A lot of our friends, especially in the industry, texted me, and I was forwarding it to her. So she’s happy now, she got time to rest. I think she was tired from show to show. So she had an emotional show,” pahayag ni Matteo.

Bukod sa international tour ay tinatapos din ng Popstar Princess ang pelikulang Miss Granny na pinagbibidahan nila ni James Reid. “She has to take a break for a while because she’s been really busy,” giit pa ng aktor.

Bea naglabas ng tampo kay Derek

Sa May 16 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Kasal na magsi­silbing buena manong handog para sa ika-dalawampu’t limang anibersaryo ng Star Cinema. Tampok sa nasabing proyekto sina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay. “Isa akong small town teacher dito na mai-in love sa isang friend. May darating na past love, you can say na greatest love ko si Derek dito tapos mase-shake ‘yung relationship,” pag­dedetalye ni Bea. Dapat daw ay pakaabangan ng mga manonood ang kakaibang kwento ng kanilang pelikula. “Ikasasal kami ni Paulo dito. Gaano mo ba kakilala ang taong pakakasalan mo? Handa ka bang tanggapin kung sino siya kapag nalaman mo kung ano ang deep darkest secret niya?” nakangiting pahayag ng aktres.

Samantala, aminado si Bea na nagtampo siya noon kay Derek nang umalis sa bakuran ng Star Cine­ma dahil hindi na pala nakapagpaalam nang maayos ang aktor sa kanya. “We were in the middle of a shoot ng isang pelikula when he left. So parang nagtampo ako na hindi niya ako nasabihan. Tapos noong napanood ko ‘yung teaser ng Kasal, naisip ko lang na nakaka-miss pala na makita si Derek Ramsay sa isang pelikula ng Star Cinema,” pagtatapos ni Bea.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with