Pauleen wini-wish na mabuntis na agad agad ni Bossing!
Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2018 - 12:00am

Benjie pumiyok sa ginawa   ng mga anak kay Jackie

MANILA, Philippines — Matagal na raw alam ni Benjie Paras ang balak nina Andre at Kobe Paras na pakikipagkita sa kanilang inang si Jackie Forster.

“Naipagpaalam naman sa akin ng mga bata yun. Okay naman ‘yun. Mabuti na ‘yun, at least tapos na ‘di ba?

“Sinabi ko naman nun na dara­ting naman ang araw na makapag-decide na ang mga bata para sa sarili nila, na hindi mo na kailangang pilitin. Okay na yun,” pahayag ni Benjie.

At least maganda ang mga ganung balitang positive na walang kanegahan.

Kamakalawa ng gabi lang dumating sina Vic Sotto mula sa tatlong araw na bakasyon sa Siargao Island kasama ang mga anak niya, mga apo at siyempre si Pauleen Luna.

Doon nila ipinagdiriwang ang 64th birthday ni Bossing Vic na masayang-masaya dahil may dagdag ng miyembro sa pamilya, si Baby Tali.

Ang cute na bagets nga ang bidang-bida roon sa kanilang bakasyon dahil pinagkakaguluhan daw ng mga kapatid lalo na ang mga sister niyang sina Danica at Paulina.

“Super addict mga sisters niya sa kanya. Pag tinutukso nila na mataba, mataba, umiismid siya. Ang cute niya,” tuwang-tuwang kuwento ng Mommy Pauleen.

Masaya raw ang bakasyon nilang iyun dahil iyun lang naman daw ang gusto ni Bossing Vic kung paano nila i-celebrate ang kanyang kaarawan.

Ipinatanong na rin namin kung ano pa ang birthday wish nito ngayon.

“Corny man, pero good health, joy and long life ang wish ko,” sabi ni Bossing Vic.

Kung si Pauleen ang tatanungin mo, sana sa susunod na birthday daw ng asawa, meron na silang dagdag na kapatid ni Baby Tali.

BENJIE PARAS JACKIE FORSTER. PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with