Bossing nagpa-family reunion sa kanyang birthday!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2018 - 12:00am

Singer-composer-TV host-comedian and producer Vic `Bossing’ Sotto turned 64 last April 28 and this time ay kasama niya ang kanyang wife na si Pauleen Luna, ang kanilang anak na si Talitha Maria maging ang iba pa niyang mga anak na sina Danica, Oyo at Pauline and their respective partners na sina Mark Pingris, Kristine Hermosa at Jed Llanes kasama ang mga apo ni Bossing sa Siargao. Hindi nakasama si Vico dahil kasalukuyan itong nasa America for a business trip.

Taun-taon tuwing sumasapit ang kaa­rawan ni Bossing ay naga-out-of-town sila ng kanyang pamilya.

Si Baby Tali ay bunso ni Bossing sa kanyang limang anak. May dalawa siyang anak sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo, si Vico sa veteran actress na si Coney Reyes habang si Paulina ay anak naman ni Bossing kay Angela Luz.

Kahit magkakaiba ang kanilang mga ina, Bossing made it a point na magkaka-close lahat ang kanyang mga anak bilang magkakapatid.

Claudine minamanipula raw  ang kanilang anak!

Mukhang hindi na naman in good-terms ngayon ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago magmula nang ilantad ng actor ang kanyang bagong girlfriend ngayon na si AC Legarda, pinsan ni Sen. Loren Legarda.

Sa graduation ceremony ng adoptive daughter nina Claudine at Raymart na si Sabina last Friday, April 27 ay no-show si Raymart at sa halip ay ang godfather nitong si Piolo Pascual ang dumating kasama ang pamangkin ni Claudine na si Cholo Barretto, ang nobyo ng bagong Kapamilya na si Ryza Cenon.

Ang graduation ni Sabina from Multiple Intelligence International School ay ginanap sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute Center.

Early last month ay nag-post si Sabina ng tatlong magkakaibang messages na may patama kay Raymart at sa bagong karelasyon nito ngayon.  Ang feeling ni Raymart, hindi `yun magagawa ni Sabina mag-isa kung hindi ito tinuruan ni Claudine.

Bukod kay Sabina, ang dating mag-asawa ay may isa pang anak, si Santino.

Joem nakawala na kina Piolo  at Sam

Hindi maikakaila na tuluyan nang nabura ang semblance ng actor na si Joem Bascon kina ­Piolo Pascual at Sam Milby at nagawa na nitong magkaroon ng sarili niyang identity.

Si Joem ay huling napanood sa primetime TV series na The Good Son at maging sa pang­hapong serye na Pusong Ligaw. Hindi nito ikinakaila na proposal at kasal na lamang ang kulang sa kanila ng kanyang long-time girlfriend, ang vlogger na si Crisha Uy.

Pitong taon na ang relasyon ni Joem sa kanyang kasintahan at limang taon na rin silang nagsasama sa isang bubong pero hindi naman daw ito nangangahulugan na wala siyang planong pakasalan ang kanyang live-in partner.

PAULEEN LUNA VIC `BOSSING’ SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with