^

PSN Showbiz

Greatest showdown ng PGT gaganapin sa pampanga!

Pilipino Star Ngayon
Greatest showdown ng PGT gaganapin sa pampanga!

MANILA, Philippines — Tunghayan ang pinakamatinding sagupaan ng pinakamahuhusay na talento sa bansa ngayong Sabado (Abril 28) at Linggo (Abril 29) sa inaaba­ngang Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown na gaganapin sa Bren Z Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Matapos ang limang linggong bakbakan at labanan sa semi-finals round, sampung kalahok ang nanaig at aarangkanda na sa huling yugto ng kompetisyon kung saan may tsansa silang maiuwi ang P2 milyon pesos na jackpot prize at isang bonggang vacation package.

Kabilang sa sampung grand finalists ang Nocturnal Dance Company, Orville Tonido, Kristel De Catalina, Xtreme Dancers, Bardilleranz, DWC Aeon Flex, Joven Olvido, Julius and Rhea, Jonacris Bandillo, at Cebeco II Blue Knights.

Sino kaya sa sampu ang tatanghaling pang-amin na PGT grand winner?

Para sa greatest showdown, hihiranging grand winner ang makakakuha ng pinakamataas na combined votes mula sa publiko at judges na sina Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda.

Samantalang, abangan din ang pagtungtong nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid sa PGT stage sa results night.

Huwag palalampasin ang “Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown  ngayong Sabado (Abril 28) at Linggo (Abril 29), 7:30 PM sa ABS-CBN.

PILIPINAS GOT TALENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with