^

PSN Showbiz

Cong. Albee nagtamo ng minor injury sa bumigay na tulay sa Zamboanga!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cong. Albee nagtamo ng minor injury sa bumigay na tulay sa Zamboanga!

Minor injuries ang tinamo ni Congressman Albee Benitez sa freak accident na nangyari kahapon habang binibisita nila ng kanyang mga kasama ang housing project para sa mga kababayan natin sa Zamboanga City na naapektuhan ng giyera sa Marawi.

Bumigay ang adjacent foot bridge na nilalakaran ni Papa Albee at ng mga kasama nito kaya nahulog sila sa tubig.

Si Papa Albee ang chairman ng Commission on Housing and Urban Development kaya nagsadya siya sa housing project sa Zamboanga City.

May soft spot sa puso ni Papa Albee ang entertainment industry kaya kaibigan siya ng showbiz press na nag-alala sa nangyari sa kanya. Gustung-gusto ni Papa Albee na mag-produce ng pelikula para mabigyan niya ng trabaho ang mga maliliit na manggagawa. Sayang nga dahil hindi pa matutuloy ang big movie project niya na naapektuhan ng feud nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Anyway, mismong si Papa Albee ang nagbalita tungkol sa freak accident na naganap.

“Nahulog kami ng aking mga kasama sa tulay na nilalakaran namin papunta sa mga housing on stilts sa Brgy Rio Hondo, Zamboanga City.

“Ang kakulangan sa maintenance sa paggawa ng mga tulay at bahay ay napakadelikado para sa mga residente lalo na sa mga bata,” ang sabi ni Papa Albee na malaki ang puso para sa mga mahihirap kaya sure na sure ako na gagawa siya ng paraan na magkaroon ng matino at matibay na tulay na tatawiran ang mga kababayan natin na maninirahan sa housing project ng gobyerno para sa mga biktima ng giyera noon sa Marawi.

Gil pang shampoo commercial ang hitsura

Sina Gil Cuerva at Kiko Estrada ang leading men ni Julie Anne San Jose sa My Guitar Princess, ang coming soon morning teleserye ng GMA 7.

Kahapon ang presscon ng My Guitar Princess kaya napagmasdan ko na mabuti sina Kiko at Gil.

Kung lalaking-lalaki si Kiko, ang pretty naman ng mukha ni Gil at ang ganda-ganda ng buhok niya na very healthy at shiny.

Sa true lang, perfect na endorser ng shampoo si Gil dahil takaw-pansin ang kanyang long hair na bagay na bagay sa mukha niya.

Kasali si Gil sa listahan ng mga mhin na binabagayan ng short and long hair at never na pagdududahan ang sexual preference niya.

Kung ako man ang may buhok na healthy and bouncy, manghihinayang ako na magpagupit kaya naiintindihan ko si Gil.

Ginawang paninira ni Sheryl hindi pa rin nalilimutan!

Ang bagong BFF ko, ang businesswoman na si Norma Lim ang naalaala ko nang makita ko kahapon si Sheryl Cruz sa presscon ng My Guitar Princess.

Sounds familiar ang name ni Mama Norma dahil lumantad siya noong 2015 para kontrahin ang mga pahayag ni Sheryl laban kay Senator Grace Poe.

Nadamay ang name ni Mama Norma dahil sa pang­gigipit na ibinintang noon ni Sheryl laban sa kanya.

Napilitan si Mama Norma na magsalita at ibulgar na siya ang tumulong kay Sheryl noong panahon na kailangan ng aktres ng datung.

Nabanggit uli ni Mama Norma ang karanasan niya kay Sheryl nang magkita kami sa international airport ng Hong Kong noong April 16.

May imbitasyon si Mama Norma na magkita kami sa Pilipinas at excited ako dahil sa mga pag-uusapan namin.

BFF ni Mama Norma si Manang Inday (Susan Roces) at siya ang unang nasaktan nang marinig niya ang masasakit na statement ni Sheryl laban kina Manang Inday at Grace noong kainitan ng kampanya sa presidential election.

vuukle comment

CONGRESSMAN ALBEE BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with