^

PSN Showbiz

Coleen nanakawan nung kasal!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coleen nanakawan  nung kasal!

Nanakawan daw si Coleen Garcia sa araw ng kasal niya.

On the night of their wedding nang mawala raw ang kanyang cell phone sa mismong room niya sa Balesin Island at hindi na raw ‘yun nabalik.

Ngayon ay sunud-sunod ang post ng misis ni Billy Crawford ng wedding photos nila.

“Been MIA for the past couple of days cause my phone disappeared from my room on the night of our wedding. Never got it back huhu. But now that I’m back on Instagram, I apologize in advance for flooding your feed with wedding photos!,” sabi ni Mrs. Crawford sa isang post niya na ang ginamit na photo ay sila ng mister matapos mag-guest sa It’s Showtime kung saan nag-umpisa ang kanilang love story.

Philippine Star movie producer na rin!

Saksihan ang pagpapatuloy ng kuwento ng isang kakaibang pagiibigan sa May 2 sa nalalapit na main­stream theatrical release ng Single­/Single: Love Is Not Enough.

Sa direksyon nina Veronica Velasco at Pab­lo Biglang-awa at sa panulat nina Lilit Reyes at Jinky Laurel, sinusundan ng Single/Single: Love Is Not Enough ang love story nina Joee at Joey mula sa hit cable mini-series na Single/Single, na isang joint production ng Cinema One at ng The Philippine Star na orihinal na umere nung 2016 kung saan bida sina Shaina Magdayao at Matteo Guidecelli.

Ito ang unang sabak ng no. 1 broadsheet in the country, Philippine Star, sa movie production at inaasahang masusundan pa ito.

Anyway, ang Single/Single ay isang serye na mayroong thirteen episodes at ipinapakita nito ang patuloy na nagbabagong pamumuhay ng mga millennials ngayon, ang mga bagay na mahalaga sa kanila, at ang mga isyung kanilang kinakaharap – lahat ito ay hinain ng serye gamit ang genre ng romantic-comedy.

Magsisimula ang kuwento ng Single/Sin­gle: ­Love Is Not Enough (the movie) kung saan natapos ang serye sa huling episode nito - papunta sa susunod na lebel ang relasyon nina Joee (Magdayao) at Joey (Guidecelli). Malapit nang manganak si Joee habang in love pa rin si Joey sa kanya at pilit nitong ginagawa ang lahat upang maging isang responsableng foster father. Ang mga realidad ng pag-aalaga ng isang sanggol ay siyang magiging dahilan upang magbago ang dynamics ng kanilang ideal na relasyon. Haharapin nila ang pagsubok at mababago ang ibig sabihin ng commitment nila sa isa’t isa at ang kanilang tropa na mga millennials na siyang makakaapekto sa kanilang mga karera at indibidwal na mga relasyon.

Ipinapakita rin ng Single/Single ang isang kakaiba at ideal na mundo ng magkarelasyon. Ito ay mundo kung saan ang dalawang puso, dalawang isip, at dalawang kaluluwa ay gagawin ang lahat upang labanan ang mga katotohanan ng isang relasyon na kakaiba sa karaniwan.

Ano ang kahihinatnan ng istorya ng relasyon nina Joee at Joey? Sisirain ba sila ng indifferences? Paghihiwalayin ba sila ng mga pagsubok? Sapat ba talaga ang pag-ibig upang tumagal ang isang relasyon? Ano ang mga ‘di inaasahang mga kaganapan ang naghihintay kina Joee at Joey at sa kanilang tropa ng mga fabulous millennials? Alamin ang lahat ng mga kasagutan sa pagsabak ng Single/Single sa pelikula.

Tampok din sa Single/Single: Love Is Not Enough ang lahat ng mga orihinal na cast members mula sa cable series, gaya nina Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy, at JC Santos.

Ipapalabas ang Single/Single: Love Is Not Enough sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Mayo 2.

Tagalog films nawalis sa Avengers

Umaga pa lang, pila na kahapon sa mga sinehan para sa opening ng Aven­gers : Infinity War. Grabe as in pagbukas ng mga sinehan, ayun na dagsa na ang manonood.

Pagdating ng hapon, sold out ang lahat ng screenings.

At lahat ng mga sinehan sa isang mall na pinuntahan ko,  ‘yun ang palabas.

Kung may nakasingit man, English movie rin.

Literal na nawalis ang mga Tagalog films na extended ng ilang linggo na sa sinehan pagpasok ng Avengers.

Well, sana ay hindi pa masaid ang pera ng movie­goers at magtira sila para sa mga ipalalabas na Tagalog films sa mga susunod na weeks.

Filmfest sa Italy, tututukan ang Pinoy Films

Bilang selebrasyon sa ika-isandaan taon ng Pelikulang Pilipino, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nagdala ng isang malaking delegasyon ng mga Filipino filmmakers, artists, and members of the academe bilang ang Pilipinas ang country of focus ngayon sa Far East Film Festival na magaganap sa Abril 24 hanggang 29 sa Udine, Italy.

Ang mga pelikulang for competition ay ang Si Chedeng sa Si Apple, Smaller and Smaller Circles at Ang Larawan, habang ang Ricky Lee classics naman na Himala at Moral ng namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya ay ipapalabas sa restored film classics feature.

Sa layuning ipakita ang pinagmamalaking filmmakers sa Far East Film Festival, magdadala rin ang FDCP ng mga piling mga filmmaker at speaker para sa Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks.         

Kabilang sa mga magsasalita sina Mr. Ed Lajano, Direktor ng QCinema, Bianca Balbuena, CEO ng EpicMedia, renowned actress na si Elizabeth Oropesa at FDCP Chairperson and CEO Liza Diño para sa Filipino Popular Cinema na pamamahalaan ni Mr. Max Tessier sa Abril 26.

Ang Film Historian at dokumentaristang si Nick Deocampo ay magsasalita naman tungkol sa Discovering the Past: Asian Film History - Filipino Cinema during WWII, na ipapakilala ni G. Roger Garcia, Festival Director ng Hong Kong International Film Festival sa Abril 27.  

Bukod sa mga ito, ipinagmamalaki ng FDCP na ipahayag na tatlong film projects mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 14 titles na pinili ng Focus Asia, ang Far East Film Festival Project Market na nakatuon sa genre cinema. Ang mga projects in development na ito ay ipapakita sa higit sa 200 mga propesyonal na bumubuo ng mga panel, one-on-one meetings, projection at networking opportunities.  

Ang mga ito ay Belen ni Quark Henares, produced nina Bianca Balbuena at Bradley Liew, Epicmedia Productions Inc.,  Quantum Suicide ni Mikhail Red, na produced ni Micah Tadena, Media East Productions at Taro Imai, Harakiri Films, na co-produced with Japan at Wilderness ni Nadira Ilana, na produced ni Nadira Ilana, Telan Bulan Films at Pamela Reyes, Create Cinema at Panuksmi Hardjowirogo, M’GO Films, isang co-production sa pagitan ng Malaysia, Pilipinas, at Singapore.  

Ang Far East Film Festival ay magaganap simula Abril 20 hanggang 29, 2018.                                                                        

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with