Pelikula nina Pia at Gerald pinagpapasa-pasahan sa FB ; Shaina idinenay na naman si Piolo!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2018 - 12:00am

SEEN: Nag-taping si John Estrada bilang guest master bluffer ng Celebrity Bluff ng GMA 7 noong Biyernes. Ang gues­ting ni John sa game show ni Eugene Domingo ang unang appearance niya bilang Kapuso star.

SCENE: Kahapon ang unang araw ng shooting ni Kris Aquino para sa I Love You Hater ng Star Cinema. Working title pa lang ng pelikula nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang I Love   You Hater.

SEEN: Sa May 7 ang pilot tele­cast ng My Guitar Princess, ang morning television series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose. Ang My Guitar Princess ang ipapalit sa Ang Forever Ko’y Ikaw na magwawakas sa May 4.

SCENE: Pinagbibintangan na user-friendly at gustong sumikat ang UST volleyball player na si Wewe Medina dahil sa pakikipaglandian niya kay Vice Ganda sa Twitter.

SEEN: Napapanood sa Facebook ang pirated copy ng My Perfect You ng Star Cinema at pinagpapasa-pasahan ito ng mga Pinoy na walang alam sa CyberCrime Prevention Act of 2012.

SCENE: May acting career si Patricia Tumulak matapos matanggal bilang co-host ng Eat Bulaga. Lawyer ang role ni Patricia sa Contessa, ang afternoon drama series ng GMA 7 na pina­ngungunahan ni Glaiza de Castro.

SEEN: Ang University of Southeastern Philippines ang venue ng Philippine tour ng Revolution concert sa Davao City sa April 29. Ang Revolution ang successful concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Smart Araneta Coliseum noong February 9, 2018.

SCENE: Minana talaga ni Luis Manzano ang mahusay na PR ng kanyang mga magulang na sina Vilma Santos at Edu Manzano. Isa-isang pinasalamatan ni Luis ang lahat ng mga bumati sa kanya ng maligayang kaarawan noong April 21.

SEEN: Ang pahayag ni Shaina Magdayao sa presscon ng Single/Single, Love is not Enough na single pa siya ngayon at by choice ito kaya hindi totoo ang mga press release na nagkakamabutihan sila ni Piolo Pascual.

CYBERCRIME PREVENTION ACT MY PERFECT YOU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with