^

PSN Showbiz

Ayaw muna sa showbiz, Kaye kuntento na sa pagiging nanay!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ayaw muna sa showbiz,  Kaye kuntento na sa pagiging nanay!

Sa darating na May 17 at magti-36 years old na ang Kapamilya actress na si Kaye Abad habang magti-34 naman ang kanyang ex-PBB housemate-businessman husband na si Paul Jake Castillo on December 22, the same day na isinilang ang kanilang first born na si Pio Joaquin last December 2017.  Ang mag-asawa ay ikinasal in Cebu City nung December 2016.

Kung si Kaye lamang ang masusunod ay gusto niyang masundan agad si Joaquin ng baby girl para magkaroon ng kalaro ang kanilang panganay.

Masaya si Kaye sa kanyang buhay may asawa at pagiging ina ni Joaquin.  Although hindi niya isinasara ang kanyang showbiz career, priority ngayon ng aktres ang kanyang pamilya – ang pagiging housewife sa mister niyang si Paul Jake at pagi­ging ina ni Joaquin.

LA maraming first time sa concert

Masuwerte ang 18-year old singer-actor na si L.A. Santos (Lnard Antonio Santos) sa pagkakaroon ng very supportive mom na si Florita Santos na kahit abala ito sa kanyang iba’t ibang negosyo ay parati itong nakagabay  sa mga mahahalagang okasyon ng kanyang anak.

Si L.A. ay nakatakdang magdaos ng kanyang first major concert na gaganapin sa Music Museum sa darating na May 30, 2018 sa ganap na ika-8 ng gabi na pinamagatang #Petmalu. Kabilang sa mga special guests niya ay sina Ian Veneracion, Jaya, Jona, Michael Pangilinan, Imelda Papin, Claire de la Fuente, Eva Eugenio, Boobsie Wonderland at ang nakababatang kapatid ni L.A. na si Kanishia Santos.

Hindi ikinakaila ni L.A. na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya para sa kanyang nalalapit na concert sa Music Museum. Excited dahil first time magkakaroon ng major concert sa Music Museum at first time rin niya makaka-trabaho ang kanyang mga special guests sa kanyang show. Ang kaba naman ay normal lamang sa isang tao lalupa’t first time niya itong gagawin.

“Pero pinaghahandaan ko po nang husto ang #Petmalu dahil ayokong ma-short change ang mga bibili ng tickets at manonood ng show,” pahayag ng Grade 11 Student ng University of Sto. Tomas at recording artist ng Star Music.

Kris hindi pinatulan ng mga kaaway

Tama lamang ang ginawa nina James Yap at ng award-winning broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez at maging ng isang well-respected entertainment journalist sa hindi pagpatol sa mga `birada’ sa kanila ng dating Presidential daughter and sister na si Kris Aquino dahil kung papatol pa sila ay lalo lamang lalala ang sitwasyon at natitiyak nilang hindi magpapatalo ang Queen of All Media.

Ultimo mga bashers and haters ni Kris sa social media ay kanyang pinapatulan.

It seems na walang pakialam ngayon si Kris kung mara­mi man ang kanyang maging kaaway alang-alang sa kanyang pagtatanggol sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

vuukle comment

KAYE ABAD

PAUL JAKE CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with