^

PSN Showbiz

LA target maging International Star

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
LA target maging International Star

Napakaswerte ng baguhang singer na si LA Santos dahil sa kabila ng pagpoprodyus ni Joed Serrano ng kanyang first major concert na #PETMALU na magaganap sa Music Museum sa April 30, 2018, may balak pa rin ito na gawin siyang isang international star kaya sinisiguro nito na magiging maganda ang #PETMALU dahil magsisilbi itong audition piece ni LA for future shows and collaborations with international stars na tulad ni James Ingram.

Unang nakilala ng magaling na concert producer si LA nang kantahin nito ang kanta ni Moira dela Torre na Titibo-Tibo. Nagandahan ito sa bersyon nito ng nasabing awitin at dun na nagsimula ang pangarap niya para sa bagong singer na sinimulan niya sa pagpoprodyus ng major concert nito. Madali lamang para kay LA ang sumikat bilang singer dahil guwapo ito, magaling kumanta at may isang ina na very supportive sa lahat ng ginagawa niya.

Bisita rin si LA ni Ian Veneracion sa first solo concert nitong Ian In 3 Acts. The singer/actor will be returning the favor by appearing as one of LA’s guest in his major concert kasama sina Jaya, Michael Pangilinan, Jona at Aicelle Santos.

Joanna nagpaliwanag sa sulutan ng manager!

Nakakahinayang nga naman na ilalaban na na­man ang pelikulang La­rawan sa isang film festival sa Italy at lumarga na ang mga artista at prod­yuser ng movie bilang paghahanda sa gagawin nilang pagdalo sa okas­yon pero nakapagtataka na hindi nila kasama ang isa sa panguna­hing artista ng pelikula at nanalong Best Actress para rito na si Joanna Ampil.

Sa isang mensahe na ipinara­ting ng Broadway superstar sa isang entertainment writer na isinulat nito na kaya hindi kasama si Joanna sa entourage ay dahil nasulot daw ito ng bago niyang manager sa dating na­ngangalaga ng kanyang karera. Sa men­sahe naman ni Ampil ay sinabi nitong walang sulutang naganap. Naghiwalay sila ng dati niyang manager na si Girlie Rodis ng maayos at walang problema sa pagitan nito at ng bago niyang manager na si Noel Ferrer. Nasa China si Ampil para sa musical na Cats.

Vice ginawang past time ng volleyball player

Ano mang dahilan ng pakikipaglapit ng UST volleyball player na si Wewe Medina kay Vice Ganda, iisipin at iisipin ng lahat na hindi ito seryoso at bunga lamang ng availability ng atleta nung panahon na nagpapalitan sila ng tweets ng komedyante. Pero, pareho nang may sapat na pag-iisip ang dalawa para matanggap ang magiging consequences ng kanilang mga action. Magwakas man ang pagkikilala nila sa maganda o hindi, problema na nila ‘yun, Dapat handa sila sa kahihinatnan ng friendship nila.

Paolo tuloy ang paglalaway kay Piolo

Hindi lamang mga kababaihan ang kanda­rapa sa Papa ng Bayan na si Piolo Pascual kung hindi maging ang kabaklaan. Si Paolo Ballesteros nga atat na atat na maipinta ng nakahubad ang Kapamilya actor. Kung dati ay sinabi ni Papa P na game siyang makasama ang Dabarkads ng Eat Bulaga sa isang project, ibig sabihin ba ay payag din siyang mag-pose in the nude para kay Paolo? Sa edad na 40, mas lalo pang nagiging in demand si Piolo sa fans, at mga kapwa niya artista. Tanggap na tanggap ng mga manonood ng TV ang magandang nilang tambalan ni Arci Muñoz sa Since I Found You

vuukle comment

JOED SERRANO

LA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with