Coco malaki ang galit sa Star Magic?! ; Mga nagwalang artista kanya-kanya ng emote sa pagsasara ng bora
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2018 - 12:00am

PIK: Dahil sa pagbabalik ni JM de Guzman pagkatapos niyang ma-rehab, ang isa sa inaasahang makakabalik kapag naging successful ang rehab nito ay si Baron Geisler na mukhang bibigyan pa rin ng chance kung makikitang nagbago na talaga ito.

Naikuwento nga ni Yayo Aguila sa presscon ng Cine Filipino na tuloy pa rin pala ang kaso nila kay Baron dahil sa ginawa nito sa anak nila ni William Martinez na si Patricia. Medyo patapos na raw pero nakabitin pa rin ang kasong isinampa.

Pero masaya na raw si Yayo para sa aktor kung talagang magbabago na ito.

Ani Yayo; “Ako naman, kung totoong nagbabago na si Baron, I’ll really be one of the many people who will be happy for you. Sana totoo na ‘yan.”

Dagdag na mensahe ni Yayo para kay Baron; “Marami namang nagmamahal sa ‘yo. Huwag mong sayangin.

“Kasi pag dumating ‘yung araw na talagang walang-wala na, it will be really hard for you to bring yourself together.

“Sana totohanin mo na.”

PAK: Maraming celebrities ang nagsi-senti sa pansamantalang pagsasara ng Boracay.

Ngayong araw na ito na isasara para simulan na ang pag-aayos at ang dami ng mga kilalang celerities ang nag-i-emote sa kanilang social media account ng memories nila sa naturang isla.

Hindi makakalimutan ni Jackie Forster ang Boracay na sa lugar na iyun siya napapag-usapan ng mga hindi magagandang balita.

Ilang beses nga raw niyang nadala doon ang anak niyang sina Andre at Kobe Paras na kung saan doon nga nagsimula ang mga negatibong balita na isa sa mga dahilan kung bakit napalayo siya sa kanyang mga anak.

Sabi lang ni Jackie sa nakaraang panayam sa kanya ng PEP, “My memories of Boracay are all of happy and fun times. The only people that would beg to disagree are those that helped out black propaganda about me.

“Living abroad has made me realize that once upon a time my name was synonymous with partying and Boracay.”

Ang dami ngang kuwentong pagwawala ng mga kilalang artista sa Boracay at kapag napapabalita, matigas na itinatanggi at minsan nananakot pang magdemanda sa nagsulat nito.

Anyway, abangan na lang ang pagbubukas uli ng Boracay na tantiya nila bandang October ng ngayong taon.

Kung matutuloy, baka ang Miss Universe raw ang unang pasabog ng Boracay na maaring doon gagawin, pagkatapos tanggihan ito ng bansang China.

Pero pinag-uusapan pa raw ito at hindi pa muna makumpirma  ng Department of Tourism.

BOOM: Parang gusto na namin maniwalang may gap sa Star Magic at kay Coco Martin.

Kapansin-pansin ngang ‘di pag­pasok ng mga Star Magic ta­lents sa Ang Probinsyano ni Coco.

May hidwaan nga ba kina Mr. M at Coco?

Iyun ang isa sa narinig naming usap-usapan na may isyu raw talaga si Coco sa Star Magic.

May nabalitaan pa kaming merong isang aktres na kinukuha sanang mag-guest sa naturang tele­serye, pero tinanong daw kung nasa Star Magic ba ito, dahil nakita pa raw ang pangalan sa list ng Star Magic.

Hindi naman nilinaw kung hindi ba kukunin dahil taga-Star Magic. Pero itong aktres daw ay matagal na raw wala sa pangangalaga ni Mr. M kaya hindi lang namin alam kung natuloy ang guesting ng naturang aktres.

Medyo nakakaintriga lang daw kasi na bakit kailangan pang tanungin kung taga-Star Magic ba ang isang artista bago nila kunin para sa mag-guest sa Ang Probinsyano.

COCO MARTIN STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with