^

PSN Showbiz

Kris parami nang parami ang inaaway!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kris parami nang parami ang inaaway!
Bimby

Pagdating sa pagiging isang ina ay walang hindi gagawin si Kris Aquino para sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Katuna­yan, sobra-sobra sa pagmamahal meron si Kris para sa kanyang mga anak at gagawin niya ang lahat para sa kaligayahan ng mga ito at kasama na rito ang pagiging over-protective kung kinakailangan.

Matagal na panahon nang walang komunikasyon ang pa­nganay ni Kris na si Joshua sa biological father nito, ang veteran actor na si Phi­lip Salvador at mukhang ganundin ang nangyayari ngayon sa mag-amang James Yap at Bimby.

Nadagdagan pa ang galit ni Kris hindi lamang sa ama ni Bimby kung hindi maging sa veteran broadcast journa­list at TV host na si Korina Sanchez nang isama ni Korina sa feature ng Rated-K last Sunday ang bagong pamilya ngayon ni James kasama ang live-in partner nitong Italian na si Michela Cazzola at anak nilang si Michael James. Winakasan na rin ni Kris ang pagkakaibigan nila ni Korina na misis ng dating senador at DILG Secretary na si Mar Roxas na best friend ng kanyang nakatatandang kapa­tid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

May isa pang inaway si Kris na isang veteran at respetableng entertainment writer.

While Kris will do everything and anything for her two sons, hindi kaya lalo lamang siya nagki-create na mga kaaway sa halip na lalong maka-gain ng mga kaibigan and in the process ay ang mga anak din niya ang maapektuhan in the long run?

But that’s Kris.

Bagets naaalala sa Squad Goals

Sa May 9 na ang release ng bagong youth-oriented film ng Viva Films, ang Squad Goals na tinampukan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Jack Reid at Dan Huschka na idinirek ni Mark Meily.

Squad Goals reminds us of the 1984 hit Bagets movie na tinampukan nina Aga Muh­lach, J.C. Bonnin, William Martinez, Raymond Lauchengco at Herbert Bautista na dinirek ng yumaong si Maryo J. delos Reyes mula sa story and screenplay ng yumao na ring writer na si Jake Tordesillas.

Sa limang stars ng Squad Goals, tatlo sa mga ito ay may popular siblings in showbiz, sina Jack, Vitto at Andres. Si Jack ay half-bro­ther ng ma­tinee idol na si James Reid, si Vitto ay nakababatang kapatid ng actress at beauty queen na si Winwyn Marquez at anak ng popular showbiz personalities, ang estranged couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno habang si Andrew ay nagmula rin sa showbiz royalty dahil nakababata siyang half-bro­ther ng dating matinee idol na si Aga Muhlach at half sister naman niya sina Arlene at Almira Muhlach. Tiyahin niya ang veteran actress na si Amalia Fuentes at pinsan niya ang original Child Wonder na si Niño Muhlach at pamangkin naman niya sa pinsan ang child star na si Alonzo Muhlach. Ka­patid din ni Andrew ang actor na si AJ Muhlach.

JM magtitino na raw talaga

Hindi na muling palalagpasin ng comebacking singer-actor na si JM de Guzman ang panibagong pagka­kataon na mu­ling ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN matapos siyang ma-derail ng dalawang beses dahil sa kanyang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot at dalawang beses din siyang sumailalim ng rehabilitasyon para sa kanyang tuluyang paggaling.

Si JM ay muling binigyan ng pagkakataon ng  Kapamilya Network na muling tumanggap sa kanya with open arms sa kabila ng dalawang beses niyang pag­ka­kamali. He is paired sa unang pagkakataon with ex-PBB housemate na si Barbie Imperial sa pi­na­ka­­­­bagong offering ng Precious Hearts Roman­ces Presents Araw Gabi na magkakatulong na pi­na­ma­ma­halaan nina Don Cuaresma, Theodore Bo­borol at Mylah Ajero Gaite under Business Unit head Director Ruel Bayani.

Ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi ay tinatampukan din nina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, Joshua Colet kasama sina Rita Avila, Ara Mina at Vina Morales na siyang umawit ng theme song na Araw-Araw, Gabi-Gabi na unang pinasikat ng yumaong si Didith Reyes.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with