^

PSN Showbiz

Eric gagawan ang Titas of Manila!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Eric gagawan ang Titas of Manila!
Eric

Una ang My 2 Mommies sa apat na peli­ku­lang pinirmahan ni Eric Quizon sa Regal Entertainment Inc., at kahit sa May 9 pa ang showing nito, may mga kasunod ng project si Eric na siya mismo ang nag-conceptualize. Dalawang pelikula lang ang pinirmahan ni Eric, pero may option na two other movies, kaya apat ang gagawin niya at tiyak, madadagdagan pa.

Kung si Mother Lily Monteverde ang masusunod, ayaw na niyang magdirek sa TV si Eric para mag-concentrate sa pagdidirek ng pelikula sa Regal. Akala ni Mother Lily, kinuha ng GMA 7 si Eric para magdirek pero nang tawagan niya ito ay nalaman na aktor ang anak ni Mang Dolphy sa isang teleserye ng network at hindi director.

Na-feel ni Eric na mas tumaas ang interes at cu­rio­sity ng tao sa movie nang malamang kasama si Maricel Soriano at in-assure ni Eric na nakakatawa ang aktres sa mga eksena niya kahit pinagpraktisan nito ang role para sa gagawing The General’s Daughter sa ABS-CBN.

Sa next movie ni Maricel sa Regal na Wi­dow/Wi­dower, si Eric din ang director at makaka-loveteam nito. Comedy ang said movie pero may konting drama.

Gagawin din ng actor/director ang Titas of Manila na sina Ruffa Gutierrez, Aiko Melendez at Carmina Villarroel ang mga bida.

Julie Anne pasok sa cast ng Lion King!

Excited ang fans ni Julie Anne San Jose na mapanood ang music video na ginawa niya kasama ang cast ng The Lion King. Sa Instagram (IG) ni Felipe Flores na isa sa main cast ng musical play, sinabi nitong may recor­ding siya kasama si Julie Anne at iba pang cast ng The Lion King.

Sa isang video na lumabas ay kasama na ni Julie Anne ang cast na kinakanta ang isang song sa The Lion King.

Natawa pala kami sa comment ng isang wedding photographer sa pinost nina Julie Anne at Benjamin Alves na silhouette picture nila habang nasa BGC sila on a date. Ang ganda at romantic ang pic, sabi tuloy ng isang wedding fotog, kontakin siya ‘pag may engagement na. Ang sagot ni Benjamin, “Lol we’re not worthy.”

Samantala, sa May 7 na ang pilot ng My Guitar Princess, ang musical rom-com series na pinagbibidahan ni Julie Anne katambal sina Kiko Estrada at Gil Cuerva.

Gabbi binura nang ka-loveteam ni Ruru

Mukhang matatagalan pa bago muling pagtambalin ng GMA 7 sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia dahil ang narinig namin, bibigyan ng bagong tele­serye si Gabbi at hindi kasama si Ruru.

Magtatapos pa lang sa Friday ang Sherlock Jr., at pagpapahingain muna ng ilang buwan si Ruru at si Gabbi muna ang magkakaroon ng teleserye.

Enchong pinupuri  si Janine!

Ang Kapamilya actor na si Enchong Dee at ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ang pinagtambal ng Regal Entertainment sa new movie nilang Elise. Si Joel Ferrer ang kinuhang director ng pelikula na parang sisimulan agad ang shooting dahil nauna na ang workshop nina Janine at Enchong bago pa ang storycon.

Nagkasama na sina Janine at Enchong sa indie film na Lila kaya walang ilangan sa kanila. Ikinatuwa ng fans ni Janine ang caption ni Enchong sa pinost na picture nila ni Janine sa IG story na “This girl deserves the happiness in the world...pakabait!”

Magiging busy nito si Janine dahil may movie na, may ginagawa pang teleserye sa GMA 7. 

vuukle comment

ERIC QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with