^

PSN Showbiz

Maricel ayaw makipag-away sa ‘di kakilala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Maricel ayaw makipag-away   sa �di kakilala

Kuntento na walang social media!

Ang saya ng interview kahapon kina Maricel Soriano at Eric Quizon sa Novotel dahil lahat ng mga question ng mga reporter, sinagot nila.

Ramdam ko na inspired at excited si Maricel sa pagbabalik niya sa showbiz dahil sa kanyang mga kuwento.

Type ko ang sinabi ni Maricel na hindi ito active sa social media as in wala siyang Facebook, Twitter etc. dahil mas gusto niya ang peaceful na buhay.

True naman ang katwiran ni Maricel na mahirap makipag-away sa mga tao na hindi niya kilala. Maligaya na siya na nag-aalaga ng mga aso niya at nanonood ng mga pelikula kapag walang shooting o taping.

Napansin ko kahapon na isang ulam lang ang kinain ni Maricel sa presscon dahil sa simpleng reason na ayaw niya na malito ang kanyang tastebud.

Kahit sikat na artista at marami nang napatunayan bilang aktres, simpleng-simple pa rin si Maricel na hindi mahilig lumabas kaya hindi natin nakikita na pakalat-kalat siya sa mga mall.

Na-retain at na-maintain ni Maricel ang privacy niya kaya inaabangan ng mga tao ang kanyang paglabas sa mga pelikula at television show. Pareho sila ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na nirerespeto ng publiko dahil tahimik at intriga-free ang mga buhay nila.

For the love of Eric and Mother Lily….

Ang My 2 Mommies ang pelikula ni Maricel sa Regal Entertainment Inc.

Si Eric Quizon ang direktor ng My 2 Mommies at siya ang may idea na isali si Maricel sa cast.

Hindi nagdalawang-isip si Maricel na tanggapin ang special participation sa pelikula nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff dahil tunay na kapatid ang trato niya kay Eric at alang-alang sa kanyang pagmamahal kay Mother Lily Monteverde, ang producer ng Regal Films.

Si Mother ang nagbigay kay Maricel ng big break sa showbiz at maraming blockbuster movies ang pinagsamahan nila noon. I should know dahil tambay ako noon sa bakuran ng Regal Films at kasama ko sa shooting sa Amerika ng Pepe En Pilar, ang comedy movie nina Maricel at Gabby Concepcion noong 1983.

Nasubaybayan ko ang pagdadalaga ni Maricel at ang mga ganap sa buhay niya kaya happy ako na maligaya at contented siya ngayon.

Ayaw pumayag na Cougar

Tawang-tawa ako sa pralala ni Maricel na hindi siya cougar nang mabanggit sa presscon ng My 2 Mommies ang wish ni Dina Bonnevie na magsama-sama uli sa isang pelikula ang original Underage girls.

Overage” ang suggested title ng reunion movie nina Maricel, Dina at Snooky Serna. Kiyeme-kiyeme na mga cougar ang role nila dahil na-in love sila sa mga mhin na mas bata sa kanila na hindi type ni Maricel na hindi itinuturing na cougar ang sarili.

Marya naiyak sa lumang movie

Naloka si Maricel sa premiere ng restored at remastered Ikaw Pa Lang ang Minahal dahil sa paglitaw ng mga bagets na nagpakilala na fans niya.

Hindi makapaniwala si Maricel na may mga tagahanga siya na bata na hindi umalis, kahit pinalalayas niya dahil fan na fan nga sila ng Diamond Star.

I’m sure, lalong humanga kay Maricel ang baget fans matapos panoorin ang Ikaw Lang ang Minahal dahil na-prove nila na talagang mahusay na aktres ang kanilang idol.

Naiyak din si Maricel nang panoorin nito ang lumang pelikula niya na nagmukhang bago as in parang kahapon lamang ginawa.

vuukle comment

ERIC QUIZON

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with