^

PSN Showbiz

Kris nalimutang umatras si Mar para kay Noynoy!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kris nalimutang umatras  si Mar para kay Noynoy!

 Walang planong mag-apologize sa panglalait kay Korina

SEEN: Kumbinsido ang defenders ni Kris Aquino na gamit na gamit ni James Yap sa publicity ang kanilang anak na si Bimby pero iba ang paniniwala ng detractors ng TV host-actress dahil gamit na gamit nito ang anak para patunayan sa lahat na mahusay siyang ina.

SCENE: Hindi dapat makalimutan ni Kris Aquino na nagpaubaya si Mar Roxas kaya natupad ang pangarap ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino na maging pangulo ng Pilipinas. Nang magsalita si Kris laban kay Korina Sanchez, parang sinaktan na rin niya si Mar.

SEEN: “No” ang sagot ni Kris Aquino sa tanong ng isang fan kung patatawarin niya si Korina Sanchez dahil sa feature story nito tungkol kay James Yap sa Rated K noong Linggo.

SCENE: Nababahala ang mga tao na natulungan noon ni Kris Aquino dahil baka i-broadcast din nito ang pagtulong na ginawa niya tulad ng pagbabayad ng tuition fees ng kanilang mga anak.

SEEN: Nag-umpisa na ang taping ng Mitho, ang drama fantasy series ng GMA 7 na tinatampukan nina Alden Richards at Janine Gutierrez. Sa July 2018 ang possible telecast ng Mitho.

SCENE: Masuwerte si JM de Guzman dahil sa paulit-ulit na pagkakataon at tiwala na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. Dapat nang mag-ingat si JM para hindi na siya malulong sa masamang bisyo dahil may hangganan ang pagtitiwala.

SEEN: Ang balita na Kapamilya ang cover ng Most Beautiful edition ng YES! magazine. Ang Most Beautiful edition ang last issue ng YES! sa May 2018.

SCENE: Napaiyak si Lipa City House Representative Vilma Santos sa Sunday episode ng I Can See Your Voice dahil sa mga natulungan ng kanyang anak na si Luis Manzano na may malambot na puso para sa mga nangangailangan. Proud mother si Vilma dahil lumaki na mabuting tao ang panganay niya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

MAR ROXAS

NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with