^

PSN Showbiz

Trabaho ni Billy sinalo ni Toni!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Trabaho ni Billy sinalo ni Toni!

Wala si Billy Crawford sa dalawang gabi ng semi-finals pre­sentation ng Pilipinas Got Talent (PGT) last Saturday and Sunday kaya mag-isa si Toni Gonzaga na nag-host ng reality talent competition which will hold its two-night grand finals on April 28 and 29 at inaasahang makakadalo na ang bagong kasal na si Billy at misis na nito ngayong si Coleen Garcia.

Sina Billy at Coleen ay ikinasal last April 20, 2018 sa Balesin Island in Polilio, Quezon Province.  Si Billy rin ang maghu-host ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar Kids na magsisimula on May 5 kaya magiging brief ang kanilang honeymoon ni Coleen.

Beth abala rin sa pagtakbo

Sa kabila ng kanyang pagiging busy sa office work bilang isang administrative officer ng isang kumpanya in San Francisco, California, USA, naisi­singit pa rin ng aktres na si Beth Tamayo ang kanyang passion sa pagtakbo which she is taking seriously at nanalo na rin siya ng ilang medalya sa iba’t ibang marathon competition hindi lamang sa San Francisco kung hindi ma­ging sa ibang lugar at bansa.

Beth misses showbiz pero masaya rin siya ngayon sa kanyang bagong buhay sa Amerika.

Matagal na rin siyang hiwalay sa kanyang Chinese-American husband na si Johnny Wong at meron siyang boyfriend ngayon na isang Italian-American na nakilala niya when she was working and based in New York, USA.

Isa sa mga closest friends ni Beth in showbiz ay si Judy Ann Santos.

Samantala, kabilang din si Beth sa London Marathon 2018 kung saan din tumakbo ang Kapamilya star na si Anne Curtis-Heussaff.

Cong. Alfred naging priority ang mga senior citizen

Kamakailan lamang ay humarap si Cong. Alfred Vargas sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media para sa isang salu-salo at thanksgiving dahil malaki ang kanilang naging bahagi sa kanyang showbiz and political career.

Si Cong. Alfred ay ikinasal sa kanyang Italy-based beautiful wife na si Yasmine Espiritu-Vargas in 2010 (pero ang church wedding ay last year lang) at meron silang dalawang supling na parehong babae – sina Aryanna Cassandra at Alexandra Milan. Kung mabibiyaan siya at ng kanyang misis ay gusto rin nilang magkaroon ng isang anak na lalake.

Si Cong. Alfred ay nagtapos ng AB-Management Econo­mics sa Ateneo de Manila University and took his masters in Public Ad­mi­nistration sa University of the Philipines. Ang kanyang tangga­pan sa kongre­so ay katapat lamang ng office ni Rep. Vilma Santos-Recto na siya niyang tini­tingala bilang isang showbiz personality at public servant.

Sa kanyang second term bilang kongresista ay nakapagpasa na si Cong. Alfred ng 17 Republic Act Laws at kasama na rito ang RA-10645 Mandating PhilHeath Coverage For All Senior Citizens.

Kahit abala si Cong. Alfred sa kanyang trabaho bilang kongresista ng ika-limang distrito ng Quezon City ay naisisingit pa rin nito ang kanyang acting career.

Kasalukuyan siyang napapanood sa isang teleserye ng GMA, ang Kambal, Karibal at meron din siyang upcoming movie na may kinalaman sa heroism ng ilang kapulisan.

BILLY CRAWFORD

PILIPINAS GOT TALENT

TONI GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with