Dingdong tuloy na sa 2019?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2018 - 12:00am

Harvard bound ba si Dingdong Dantes?

Kahapon ay kinongratulate kasi siya ng misis niyang si Marian Rivera sa kanyang IG story na ‘congratulations mahal ko” na ang photo ay ID na Philippine Emerging Leaders Initiative pero ang ID lace ay Harvard.

Internship na ‘yun?

Walang particular na sinabi si YanYan kung ano ‘yun.

Or paghahanda pa rin kaya ito sa sinasabing pagkandidato ni Dingdong sa 2019 election?

May nagsasabi kasing tuloy na ang actor sa kandidatura niya pero umano’y hindi pa sigurado kung anong posisyon.

US Concert tour ni Sarah  lahat sold out

Grabe, super sold out din ang mga concert ni Sarah Geronimo sa Amerika.

Nauna niyang pinuntahan ang Los Angeles at makikita sa mga nagkalat na videos na sobra ang pila.

Maging ang mga naka-schedule pa raw nitong concert sa ibang part ng US ay sold out na.

Nauna nang na-sold ang This 15 Me concert ni Sarah sa Araneta Coliseum two weeks ago.

Jodi #fitnessgoals!

Grabe may nag-send ng photo ni Jodi Sta. Maria na nagpapa-tan sa kanilang veranda. Nakadapa ito at nagbabasa ng script.

Pero lutang kung gaano na-fit ang kanyang katawan. Kitang-kita ang shape at alam mong pinaghirapan niya. #fitnessgoals 

Alfred at Misis working sa third baby

Kung blessings ang pag-uusapan, marami niyan si QC 5th District Representative Alfred Vargas.

Imagine up to now, his acting career is still in the upswing – leading man pa rin ang status niya sa top rating soap ope­ra na Kambal Karibal on GMA. At dala-dalawa ang partner niya, sina Carmina Villaroel and Jean Garcia.

Nauna na siyang nag-comeback sa Encantadia na kinagulat niya na andiyan pa rin ang kanyang fans. “They have been with me throughout my journey as a young actor, a councilor, a congressman, and now as a part time actor and producer. My fans are like family to me already,” sabi ni Cong. Alfred sa kanyang pa-thanksgiving salu-salo for the press.

Pagdating sa family, mas malaki ang blessing niya with his beautiful, loving and supporting wife, Yasmine and two lovely daughters.

“Masaya ako natupad ang pinagdasal ko, si Yasmine ang katuparan ng lahat ng prayers ko,” sabi niya sa misis na super look alike ni Marian Rivera.

Actually, maraming showbiz related offer si Yasmine pero madalas umano itong tanggihan ng misis dahil nga mas gusto nitong mag-alaga sa dalawa nilang baby girl.

To date, working sila sa third baby na wini-wish nilang boy naman.

At sa husay niya sa time management, he is currently taking up pa masters in public information in UP Diliman National College of Public Administration and Governance.

Paano nga ba niya ‘yun nagagawa pa? “I just make sure to set my priorities straight and I sacrifice a lot of free time – social life, vacations and some personal time. I am quite lucky now to have a very dedicated and efficient staff in the office and thousand of loyal supporters who help me become the best version of myself,” paliwanag ng Cong. Alfred.

In any case, kasama siya sa Top 10 Congressmen having filed a total of 271 measure with 269 bills and resolutions as of the second regular session of 17th Congress.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with