^

PSN Showbiz

Paolo hindi nawawala ang pagka-in love kay Piolo

ABOUT SHOWBIZ - Pilipino Star Ngayon
Paolo hindi nawawala  ang pagka-in love kay Piolo

Kung may lalaki na gustong ipinta si Paolo Ballesteros, si Piolo Pascual ‘yun na matagal na niyang crush.

“Consistent ako, si Piolo pa rin ang gusto ko. Minsan ko lang siya nakita sa isang salon, binati naman niya ako. Sayang hindi ako nakapagpa-picture dahil kinukulayan ang hair ko,” may pang­hihinayang na sabi ni Paolo.

Sa babae, si Solenn Heussaff ang gustong ipinta ni Paolo at magkakaintindihan sila dahil pareho silang painter at mula nang magkasama sa pelikulang My 2 Mommies ay naging magkaibigan na. Bilib siya sa pagi-ging propes­yonal at walang kakiyemehan ni Solenn.

Samantala, sa May 9 na ang opening at showing ng My 2 Mommies sa direction ni Eric Quizon. Hindi nahirapan si Paolo gu­  manap na isang ama dahil in real life, he is a dad to a nine-year-old daughter. Sa Baguio man nakatira ang anak with her mom, madalas pa rin siyang nakakasama ni Paolo at feeling ni Paolo, alam na nito kung “ano” talaga siya dahil nakikita ang make-up niya, wig, high heels shoes at gowns na gamit niya sa kanyang trabaho.

Lovi nagsalita sa pag-iwas kay Jolo

Dalawang pelikula ang gagawin ni Lovi Poe pagkatapos ng taping ng The One That Got Away na hanggang third week pa ng May mapapanood. Sa rom-com series ng GMA 7 muna magko-concentrate si Lovi na sobra niyang ini-enjoy pati ang karakter niyang si Alex. 

Hindi pala kasama sa two movies na gagawin ni Lovi ang movie sa Imus Productions, na hindi na niya natanggap ang offer dahil nauna ang dalawa. Biniro tuloy siya na hindi niya makikita ang ex-BF na si Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla.

“Alam ko ang gusto niyong tukuyin. Pero hindi nga si Jolo ang kasama ko kung natuloy ako. Wala naman kaming isyu ni Jolo, we’re friends and we’re on speaking terms. We’re both in good place now, pareho kaming masaya sa buhay namin,” sabi ni Lovi.

Anyway, maganda ang kinalabasan ng first team-up sa TV nina Lovi at Dennis Trillo at may humihirit na sa susunod, drama project naman ang ibigay sa kanila after TOTGA. Maraming kissing scenes ang dalawa sa rom-com series at wala itong isyu sa kani-kanyang partner. Nagkasama pa nga sina Lovi at Jennylyn Mercado sa Sikat Ka Kapuso show at nag-enjoy si Lovi to be working with Jennylyn.

“Masarap katrabaho si Dennis, he’s very giving, kahit very quiet, ‘pag kaeksena mo na, nag-iibang tao na siya. Nagiging karakter na niya and he’s so good looking,” pagtatapos ni Lovi.

Alfred tuloy ang pagda-diet

Ang pilot episode ng Kambal, Karibal ang nagpa-realize kay 5th District Quezon City Cong. Alfred Vargas na kailangan na niyang mag-diet. Nakita niya kung gaano siya kalaki, katabi ni Carmina Villarroel na sa first part ng hit primetime te­leserye ng GMA 7 ay gumanap na kanyang asawa.

Sa nakaraang thanksgiving lunch ni Alfred with the entertainment press, masayang ibinalita na sa four to five months na he’s into Intermittent Fasting o IF, 37 lbs., ang nabawas sa kanya, pero kaila-ngan niyang ipagpatuloy ang IF dahil nag-gain uli siya ng 7 lbs.

Bukod sa IF, no sugar at rice sa weekend ang sinusunod ni Alfred plus exercise para naman daw bumagay sa kanya ang terms ang endearment sa kanya ni Jean Garcia sa Kambal Karibal na Bebe Ko. Ito na rin ang tawag sa kanya ng tao ‘pag nakikita siya sa labas plus nangungumusta sa ma-ngyayari sa teleserye, kaya alam ni Alfred na hit ang kanilang soap.

Masaya rin si Alfred sa feedback at mataas na rating ng Kambal Karibal kaya nga extended sila. Last soap niya for this year ang serye dahil may sinusunod siyang rule na “one TV show a year and one movie a year.”

“Tama na sa akin ‘yun, mabubuhay ko na ang pamilya ko. Ayaw ko kasing mapabayaan ang trabaho ko bilang public servant at para walang masabi ang constituents ko. Bawi na lang tayo sa paggawa ng more TV shows and more movies ‘pag wala na ako sa pulitika. Pero matagal pa ‘yun dahil sa ngayon, gusto ko pang magsilbi sa tao,” ayon kay Alfred.

Magsi-seek ng re-election si Alfred sa darating na election for his final term at dahil maganda ang trabaho, naniniwalang malaki ang tsansang muli siyang iboboto ng mga taga-5th district ng Quezon City. Tatakbo siya under PDP Laban party.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with