^

PSN Showbiz

Movie nina James at Nadine, binalik sa mga sinehan

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Movie nina James at Nadine, binalik sa mga sinehan
Nadine

MANILA, Philippines — Ibinalik sa maraming sinehan ang Never Not Love You, ang movie nina Nadine Lustre and James Reid na nag-open sa theaters nationwide nung Sabado de Gloria. 

Sa maraming sinehan uli ito palabas base sa listahang inilabas ng Viva Films at nationwide na ulit ito mapapanood.

Almost four weeks na itong showing at napapanood din ito sa maraming sinehan sa Middle East.

Ang lakas ng word of mouth ng pelikula at talagang pinupuri nila ang acting, story, direction ng movie na dinirek ni Antoinette Jadaone na nagpasalamat sa mga sinehan nagbalik sa kanyang obra. “WE’RE STILL SHOWING IN 60 CINEMAS!!! Ibinalik kami sa ibang sinehan yahoo (thanks tito Ayala!)! Check ClickTheCity.com for the theaters list and schedule! #NeverNotLoveYou now on its 4th weekend!!! SALAMAT MULI SA MGA NAGPA-WORD OF MOUTH!,” sabi ng director ng JaDine movie.

Speaking of Nadine, diretso sa shooting ng endorsement ang young actress matapos ang kanyang meet and greet sa Dubai para sa showing ng kanilang critically acclaimed movie sa mga bansa sa Middle East.

Bukod sa meet and greet, nag-pictorial din siya suot ang creation ng sikat na Filipino designer na si Furne One ng A-list Hollywood stars tulad nina Beyonce, Katy Perry, Shakira, Lady Gaga at marami pang iba, na nakabase sa Dubai.

Iba rin ang sipag ni Nadine na parang walang kapaguran.

Pacman hindi nalimutan pasalamatan ang mga kaibigan

Hindi nakakalimutang pasalamatan ni Sen. Manny Pacquiao ang mga sumusuporta sa kanya sa ginanap na presscon ng laban nila ng Argentinian boxing champ Lucas Matthysse na magaganap sa July 15, sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang first major fight ng MP Promotions kaya naman all out ang suporta ng mga kaibigan ng senador sa presscon nito sa Manila na ginanap sa isang hotel.

First time ito ng Pinoy boxing champ bilang promoter, kung saan ka-partner ng kanyang grupo ang isa pang boxing legend na si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions.

Pinasalamatan ng boxing champion ang talent manager na si Arnold Vegafria na siyang punong abala; Buboy Fernandez na kanyang trainer, kababata at kasama niya sa lahat ng laban; long time friend and adviser Chavit Singson at best friend Cong. Toby Tiangco sa patuloy na suporta. Yup, si Cong Toby pala ang BFF ni Sen. Manny.

Nagpasalamat din siya kina Freddie Roach at Bob Arum, kahit parehong wala sa presscon. Si Arum ang long time promoter ng mga laban ni Pacman kung saan nagka-isyu sila sa papalapit niyang fight.

Kaya ang reaction ng mga nasa presscon, patunay ito na talagang mabuting tao at marunong lumingon sa pinanggalingan si Champ Pacquiao kahit na nga may sarili na siyang MP Promotions.

Fears ni Jessy nawala nang makasama si lucky

Feeling so lucky si Jessy Mendiola sa relasyon kay Luis Manzano na nag-birthday kahapon. Bukod sa suwerte, tinuturing din ni Jessy na pinaka-malaking blessing niya ang anak nina Edu Manzano and Rep. Vilma Santos. “My love, you are the biggest blessing I’ve ever received in my entire life. I thank God everyday for giving me a man who loves me for who I am and supports everything I want to do. You take all my fears away and replace them with hope and happiness. You are a good man, that’s why I’m so LUCKY to be loved by someone like you. I love you with all my heart, nothing will ever change that. Happy birthday my one and only howhow!!”

Ang hinihintay na lang ng lahat ngayon ay ang petsa ng kasal ng dalawa.

Happy birthday Lucky.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with