^

PSN Showbiz

Alfred marunong lumingon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred marunong lumingon!
Alfred

Tuloy ang US vacation ni Alfred Vargas at ng kanyang pamilya sa susunod na linggo. Hindi na puwedeng kanselahin o i-postpone ni Alfred ang bakasyon na matagal nang nakaplano at pinaghandaan ng dalawang anak nila ni Yasmine.

Hindi naman kasi inaasahan ni Alfred na magkakaroon ng maraming beses na extension ang Kambal, Karibal.

Walang dapat ipag-alala ang fans ni Alfred aka Bebe ko dahil sure na mapapanood  siya sa Kambal, Karibal kapag nakabalik na sila ng kanyang pamilya mula sa US vacation nila.

Ang Kambal, Karibal ang nag-iisang teleserye na pinapanood ng mga anak ni Alfred bilang suporta sa tatay nila.

Noong nakaraang taon, ang Encantadia ang tinutukan ng mga bagets dahil starring si Alfred sa nagwakas na telefantasya ng GMA 7.

Kahapon ang thanksgiving lunch ni Alfred para sa entertainment press na always supportive sa kanyang showbiz at political career.

Natuwa ang mga entertainment writer sa sinabi ni Alfred na kung hindi dahil sa showbiz, hindi matutupad ang mga pangarap niya kaya tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa entertainment industry.

Hindi naiwasan ng mga reporter na i-compare si Alfred sa Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Gaya ni Alfred, never na nakalimutan ni Mama Vi na pasalamatan ang showbiz na malaki ang kontribusyon sa kung anuman siya ngayon.

Sina Mama Vi at Alfred ang dapat tularan ng ibang mga artista at  mga baguhan na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Sila ang mga artista na nabubuhay sa ma­ling paniniwala na ang ganda at talent nila ang mga dahilan ng kanilang pagsikat. Sila ang mga artista na hindi marunong tumanaw ng utang na loob kaya hindi nagtagal ang mga acting career nila.

Boyet ready to work na uli

Nagkaroon ng thanksgiving dinner ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong noong Biyernes.

Kasama  sa thanksgiving dinner ang kaibigan nila na pastor, ang kapatid ni Boyet at ang kanilang anak na si Mariel de Leon.

Nagpapasalamat sa Diyos sina Sandy at Boyet dahil nalampasan nila ang huling pagsubok na pinagdaanan. Maayos na maayos na ang kalagayan ni Boyet na na-confine sa ICU ng isang ospital dahil sa isang freak accident na walang may gusto na mangyari.

Ready to work na uli si Boyet matapos magpahinga ng ilang araw. Bongga talaga si Boyet dahil may bagong project na iniaalok  sa kanya ang isang television network.

Mang Ramon hindi mapaglihiman

Thankful at grateful naman si Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan dahil pinayagan siya na dalawin ang kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla, Sr. sa bahay nito sa Cavite.

May sakit si Mang Ramon kaya hiniling ni Bong sa Sandiganbayan na payagan siya na bisitahin ang tatay niya at hindi naman nabale-wala ang kanyang hiling.

Gusto ko na talagang maniwala na may anting-anting si Mang Ramon dahil sa edad na 91, nalalampasan niya ang lahat ng  mga health crisis.

Take note, updated si Mang Ramon sa lahat ng mga nangyayari sa paligid at pati sa mga development sa kaso ni Bong dahil pinapanood niya sa TV ang lahat ng mga news program. Walang puwedeng ilihim kay Mang Ramon ang mga kasama niya sa bahay dahil nakatutok siya sa TV.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with