^

PSN Showbiz

Singer/actor over acting ang pagiging maldito!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Agarang komento ng aming source, “Bakit, mga babaeng artista lang ba ang may sumpong? Mga girls lang ba ang may sariling mundo? Bakit, wala bang mga artistang lalaking nagsusuplado sa panahon ng kanilang trabaho?”

Uy, mukhang may mga alam na kuwento ang ­aming source tungkol sa mga aktor na nagpapalutang din ng sumpong at kasupladuhan, sinu-sino nga ba sila?

Kuwento ng aming impormante, “Ang isa na tatawagin nating Actor A, e, mailap na talaga sa tao nu’ng nag-uumpisa pa lang siya. Kailangan pa siyang paalalahanan ng handler niya na kailangan niyang ngumiti at bumati sa mga reporters na nakakasalubong niya.

 “May kamaldituhan si Actor A, hindi siya nakikipag-usap sa mga co-stars niya, nasa tent lang siya, ewan kung ano ang pinaggagagawa niya du’n. Basta, hindi siya mahilig makipagkuwentuhan sa mga katrabaho niya.

“Ilang din sa kanya ang production staff dahil hindi siya ma-PR, darating siya at aalis na walang kinakausap na kahit sino kundi ang PA lang niya!

 “Singer din si Actor A, hindi na siya masyadong uso ngayon, pero impernes, marami siyang pinasikat na kanta!” paglalarawan ng aming source.

Ang isa pang lalaking personalidad na bumibida sa kuwento ng aming source ay si ____(pangalan ng guwapong male personality) na tatawagin nating si Actor B.

“Isa pa ‘yun! Akala mo naman regalo siya ng langit sa lupa sa mga kababaihan! Kung makaasta siya, e, parang siya na ang pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa!

“Iba naman ang drama niya. May kasupladuhan ‘yun! Nambabara siya palagi ng kumakausap sa kanya. Kunwari, e, sasabihin sa kanya ng production staff, ‘Sir, ito po ang gagawin n’yo sa next scene n’yo,’ hindi na niya patatapusin ang karahap niya, nakaangas na agad siya!

“Ang paborito niyang line, ‘Oo, alam ko na! Wala ba akong utak para palaging i-remind ng gagawin ko? Kagabi ko pa ‘yan alam!” Ganu’n siya.

“Nakikipag-usap naman siya sa mga katrabaho niya, pero barador siya! Palagi siyang nambabara, sakit na yata niya ‘yun, e! Hindi siya masaya nang walang napapahiya!

“Sino ngayon ang napahiya? Di ba, tsinugi na siya sa dating work place niya? ‘Yun ang napala niya sa pagiging maldito at barador!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Kris inggit lang daw sa lovelife ni James!

Ngayong hapon na ang pagbubukas ng 2018 PBA Commissioner’s Cup. Isa sa mga paparadang basketbolista ay si James Yap. Siguradong punumpuno ng kontrobersiya ang buhay ng magaling na manlalaro ngayon dahil sa mga pasabog ni Kris Aquino nu’ng isang araw laban sa kanya.

Manghahaba na naman ang leeg ng mga miron, susuriin ng mga ito kung ano ang itsura ni James, lalo na’t natayming pa sa pagbubukas ng PBA ang mga rebelasyon ni Kris tungkol sa pagiging tatay niya kay Bimby.

Maraming nakikisimpatya kay James Yap. Umariba na naman daw si Kris, kung anu-anong masasakit na salita na naman ang ibinato sa kanya, samantalang bumati lang naman siya ng happy birthday sa kanilang anak.

Komento ni SOS, “Para na pong sirang plaka si Kris! Binalikan na naman niya ang nakaraan. So, isa lang po ang ibig sabihin nu’n, hindi pa rin siya nakakapag-move on sa hiwalayan nila ni James!

 “Lalo na ngayon na masaya ang lovelife ni James with Michela Cazzola, at magiging dalawa na ang anak nila, samantalang si Kris, e, nganga pa rin ang lovelife hanggang ngayon.

 “Kung totoong unconditional ang pagmamahal niya kay Bimby, e, siya na lang sana ang gumawa ng paraan para maging close ang mag-ama. Sagarin na niya ang pagiging best mom niya!

 “Huwag na siyang maging masyadong bitter, huwag niyang sinisiraan ang ama ng anak niya dahil kalahati ng dugong nananalaytay sa anak niya, e, dugo ni James! ‘Yung sinabi niyang hindi na dumidikit si James kay Bimby dahil wala na sila sa power, personal opinion lang naman niya ‘yun, e! Haka-haka lang niya!

“Bakit, sinabi ba ni James ‘yun mismo sa kanya? Hindi na talaga matapus-tapos ang panunumbat niya kay James, kaya wala siyang peace of mind. Be a peacemaker na lang sa mag-ama niya, ganu’n na lang ang gawin niya, be a bridge, not a wall!

 “Sayang na sayang naman ang pagiging too smart and too pretty niya kung ganyan siya!” mahabang komento ni SOS.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with