^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn nakaanim na taon na ang relasyon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn nakaanim na taon na ang relasyon!
KathNiel

Muling magtatambal sa pelikula sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakatakdang gawin ni Cathy Garcia-Molina ang The Hows Of Us na muling pagbibidahan ng KathNiel. “Itong istorya na ‘to, malapit sa amin mismo ni Kathryn. Kasi kagaya ng pelikula, parang nasa long-term relationship na rin naman kami ni Kathryn, six years. Minsan magtatanong ka rin naman kung ano pa ba ang rason. So lahat talaga may struggle. Hindi naman la­ging masaya. At ‘yung movie na ‘to tuturuan tayo. I mean kami ni Kathryn, na ano nga ba ang mga dahilan na ‘yon na tinatanong naming dalawa,” makahulugang pahayag ni Daniel.

Ang nasabing pelikula ang magsisilbing 25th anniversary offering ng Star Cinema ngayong taon. Ayon kay direk Cathy ay talagang personal niyang pinili na ang KathNiel ang magbida sa bagong pelikula. “Since Got To Believe, I have learned to love the two, not just as actors but as anak-anakan ko. But beyond that, I really believe in the talent these two have and I know that if I want to tell new stories, ikalulungkot ko kung may ikukwento akong maganda at hindi sila ang gaganap. So I would really want them. If there are two people whom I want to direct and give life to these characters, itong dalawa,” pagbabahagi ni direk Cathy.

Maricel nagpasalamat na nalampasan ang matitinding dagok

Masayang-masaya si Maricel Soriano dahil muli siyang makagagawa ng proyekto sa ABS-CBN. Isa ang Diamond Star sa mga magbibida sa teleseryeng The General’s Daughter kasama sina Angel Locsin, Ryza Cenon, Eula Valdes at Janice de Belen. “Excited din ako. Maganda rin ang story namin doon pero hindi ko pa alam kung pwede na ikwento,” nakangiting bungad ni Maricel.

Matagal-tagal nang hindi naging aktibo ang aktres sa show business kaya malaki ang pasasalamat niyang nakabalik siya sa Kapamilya network. “Alam mo sabi ko matapos ang matitinding dagok na pinagdaanan ko sa buhay ko, eto na. After the rain, I’m back,” dagdag pa ng aktres.

Aminado si Maricel na talagang hinahanap-hanap niya ang pagiging artista sa telebisyon at pelikula noong mga panahong wala siyang trabaho. “Oo, na-miss ko lahat ito siyempre. Salamat sa lahat ng nagmamahal, ‘yung unconditional love nila. Sobra-sobra akong na-touch,” pagtatapat ng aktres.

Bukod sa bagong soap opera ay abala na rin ngayon si Maricel para sa pelikulang My 2 Mommies ng Regal Films.

Kamakailan ay dumalo si Maricel sa red carpet premiere para sa digitally restored version ng pelikula nila ni Richard Gomez na Ikaw Pa Lang Ang Minahal. Matatandaang tumabo ito sa takilya noong 1992 na ginawa ni Carlos Siguion-Reyna. Para kay Maricel ay malaking bagay kung mapapanood ng mga kabataan ngayon ang nasabing pelikula. “Sobra akong excited kasi ito ay isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa ko and proud na proud ako,” pagtatapos niya. 

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with