^

PSN Showbiz

James walang planong patulan ang mga reklamo ni Kris

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
James walang planong patulan ang mga reklamo ni Kris
James

Coleen at Billy pinagbintangang  gumimik sa singsing

SEEN: Ang nagkakaisang opinyon na exaggerated ang reaksyon ni Kris Aquino sa simple harmless birthday greeting ni James Yap sa kanilang anak na si Bimby na nag-celebrate ng 11th birthday noong Huwebes, April 19.

SCENE: Inisa-isa ni Kris sa Instagram rant niya ang mga pagkukulang ni James bilang ama pero marami pa rin ang nakikisimpatiya sa basketball player na walang plano na patulan ang mga emote ng ex-wife.

SEEN: Sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang makakasama ni Kris Aquino sa bagong project nito sa Star Cinema. Mga sikat na loveteam ang kailangan ni Kris dahil box office flop ang last two movies niya sa Star Cinema, ang All You Need is Pag-Ibig at Etiquette for Mistresses.

SCENE: Gimik para sa marami ang balita na muntik nang makalimutan nina Billy Crawford at Coleen Garcia na bumili ng wedding ring para sa beach wedding nila kahapon sa Balesin island.

SEEN: Hindi pa nagbibigay si Jiggy Manicad ng kumpletong detalye tungkol sa isyu ng kanyang pagkandidato na senador sa eleksyon sa 2019 dahil ipinagdarasal pa niya ang kanyang magiging desisyon.

SCENE: Si Janice de Belen ang ipinalit sa role na dapat na gagampanan ni Rosanna Roces sa The General’s Daughter, ang teleserye na pagbibidahan ni Angel Locsin sa ABS-CBN.SEEN: Si Lipa City House Representative Vilma Santos Recto ang contestant ngayon at bukas nang gabi sa birthday presentation ng kanyang anak na si Luis Manzano sa I Can See Your Voice. Ngayon ang 37th birthday ni Luis, ang host ng top rating mystery music game show ng ABS-CBN.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with