^

PSN Showbiz

Marian dalawang gym na ang pag-aari

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Marian dalawang gym na ang pag-aari
Marian

Tulad ng kanyang husband, ang actor-entrepreneur na si Ding­dong Dantes, pinasok na rin ng 33-year-old Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagni-negosyo na kanyang sini­mulan last year sa pamamagitan ng kanyang flower shop na Flora Vida: Perennial Blooms by Ma­rian.

Last April 18 ay binuksan ni Marian at ng kanyang business partner at kaibigan, ang magazine editor at celebrity stylist na si Pam Quinones ang ikalawang branch ng kanilang fitness cen­ter na Saddle Row sa Rockwell.

Pero kahit negosyante na rin si Marian hindi niya pinababayaan ang kanyang role bilang misis ng husband niyang si Dingdong at ina ng kanilang two-year-old daughter na si Zia at bilang actress at TV host.

Honeymoon nina Billy at Coleen madalian lang?!

Si Billy Crawford pa rin kaya ang maghu-host ng Your Face Sounds Familiar Kids 2018 ngayong kakakasal pa lamang nito sa kanyang misis na si Coleen Garcia?

Magtatapos na this coming Saturday and Sunday ang seasonal reality show na Pilipinas Got Talent hosted by Billy and Toni Gonzaga with Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin and Mr. Freddie Garcia as judges.

Identified kay Billy ang Your Face Sounds Familiar kaya malamang na ma-postpone ang kanilang ho­neymoon ng brand new wife niyang si Coleen o kaya naman ay pwedeng matuloy pero hindi ito magtatagal dahil nga sa nasabing programa.

Doktorang nagpapagaling ng kanser, dinarayo kahit ng mga foreigner

Alam mo, Salve A., kahit anong pilit namin kay Dra. Farrah Agustin-Bunch ng Victoria, Tarlac kung sinu-sinong mga kila­lang celebrities (and some of them are know perso­nalties from showbiz) ang kan­yang mga naging pas­yente including head of the State and royalties, ayaw niya itong i-reveal sa amin dahil gusto niyang mapa­ngalagaan ang privacy ng kanyang patients both here and abroad.

Ang 40-year-old na si Dra. Farrah (as she is po­pu­larly known to her patients) ay dinarayo sa kanyang clinic sa Victoria, Tarlac dahil sa kanyang ka­ka­ibang treatment ng mga may sakit lalo na ‘yung may sakit na kanser na kanyang napapagaling sa pa­ma­­magitan ng natural healing na hindi na kinakaila­ngang sumailalim ng chemotherapy, radiation at surgery.

Si Dr. Farrah ay nagtapos ng medicine sa St. Louis University in Baguio City at isa siyang licensed doctor.  Kinumpleto niya ang kanyang internship sa China at sa Scotland at nag-aral din siya ng Holistic Health Practice from Natural Healing College in Los Angeles, California.

Si Dr. Farrah ay anak ng world-famous herbalist, ang yumaong si G. Antonio Agustin na siyang nag-deve­lop ng kauna-unahang natural cancer treatment  sa Pilipinas nung taong 2000 at sa tulong ng kanyang anak na si Dr. Farrah ay kanilang dinibelop ang The Dr. Farrah Method.

Ang Dr. Farrah Method ay may kakaibang paraan ng treatment ng kanser na kanyang tinatawag na Intergrative Medicine, isang paraan na kanyang pinagsasama ang conventional medicine with alternative interventions.

Si Dr. Farrah ay hindi lamang Doctor of Medicine kundi isa rin siyang scientist, herbalist at  environmentalist at goal niya na gawing medical tourism ang Victoria, Tarlac kung saan siya ngayon nagpa­patayo ng Medical Center for Natural Medicine.

Bukod sa mga local patients ng Tarlac at ng mga karatig lugar, si Dr. Farrah ay dinarayo ng kanyang mga patients mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil na rin sa word of mouth na nagmumula sa mga pasyenteng kanyang napagaling at isa na rito ang kanyang American husband na si Jack Bunch na may stage-4 cancer sa lungs na kanyang napagaling.

Hinaharap ni Dr. Farrah ang kanyang more than 500 patients everyday na dumarayo sa kanyang clinic sa Victoria, Tarlac.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with