^

PSN Showbiz

Rachelle Ann hitsurang bagong gising nang ikasal

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Rachelle Ann hitsurang bagong gising nang ikasal
Rachelle Ann at Martin

Barbie walang market sa pelikula

SEEN: Hindi blooming si Rachelle Ann Go sa wedding photos niya. Haggard-looking si Rachelle Ann sa importanteng araw sa buhay nila ng kanyang American husband na si Martin Spies.

SCENE: Wedding sponsor sa Billy Crawford-Coleen Garcia beach wedding si Federico Moreno, ang anak ng star builder at TV host na si German Moreno na tatay-tatayan at mentor ni Billy.

SEEN: Magaganap ngayon sa Balesin island ang beach wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Kahapon pa lang nagpunta sa Balesin ang mga invited guest sa BiCol wedding.

SCENE: US-bound kahapon ang Team Sarah para sa US tour ng This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo. Special guests ni Sarah sina Mark Bautista at Sam Concepcion.

SEEN: Dark colored dresses ang mga ginagamit ni Lauren Young sa Contessa para hindi mahalata ang kanyang balakang. Ang pagkakaroon ng wide hips ang isa sa mga problema ni Lauren.

SCENE: Masyadong pinalalaki nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang love problem nila na normal na nangyayari sa mga magkakarelasyon. Dapat manahimik sina Joshua at Julia kung gusto nila na magtagal ang kanilang relasyon.

SEEN: Ang life story ng Ex Battalion ang mapapanood bukas sa Magpakailanman, ang drama anthology ni Mel Tiangco sa GMA 7. Ang mga miyembro ng Ex Batta­lion ang gaganap sa kuwento ng buhay nila.

SCENE: Ang obserbasyon na pang-free TV si Barbie Forteza dahil hindi successful sa box office ang mga pelikula na siya ang bida. Kailangan ni Barbie ng isang matindi na mo­vie pro­ject na tatangkilikin ng publiko para mabura ang paniniwala na pang-free television lamang siya.

RACHELLE ANN GO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with