^

PSN Showbiz

Aktor balik na naman sa lungga ng mga adik!

UBOS - Pilipino Star Ngayon

Hindi na mabibilang sa mga daliri ang mga oportunidad na pinalampas ng isang male personality. Nababalewala ang talento kung hindi ginagamit sa wastong paraan at dahilan.

Kapag pinag-uusapan ang mga de kalidad na pelikula ay isa ang kanyang pangalan sa mga kasali sa listahan. Sa murang edad pa lang kasi ay nagpakita na siya ng kapasidad na bihirang makita sa ibang mga artista.

Pero mas pinili niya ang daan papunta sa kawalan, nagpatianod siya sa bisyo, kaya lahat ng kanyang mga pangarap ay inilipad ng hangin sa kawalan ng trabaho.

“Nakapanghihinayang ang taong ‘yun, napakaganda ng image niya nu’n, kinakabog niya ang maraming artista sa galing niyang umarte, pero napakabilis niyang mag-iba ng landas.

“Hindi biro ang talent niya. Sabi nga ng mga humahawak na direktor sa kanya, e, isa siyang henyo. Imagine, ang mahahabang dialogues, e, minsan lang niyang pinapasadahan, pagsalang niya, take one!

“Di ba naman nakapanghihinayang ang nangyari sa kanya? Maraming tumutulong sa kanya para manumbalik ang dati niyang pangalan sa pag-arte, pero sinasayang lang niya.

“Wala siyang tiyaga, hindi siya makapaghintay, nabuburyong siya agad. Ilang beses na siyang tinulungan ng mga kasamahan niyang artista, pero hinog lang sa pilit ang pagbabago niya.

“Hindi niya ‘yun sineseryoso, ang laki-laki ng gastos sa pinagdadalhang center sa kanya, pero parang balewala lang sa kanya ‘yun!” unang kuwento ng aming source.

Madalas na naman siyang magpunta ngayon sa isang lugar kung saan nagkalat ang bisyong naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang career. Hinanap niya na naman ang mga dati niyang katropa.

“Nanghihinawa na nga ang mga tumutulong sa kanya, gastos nga naman sila nang gastos, pero siya naman mismo ang ayaw magbago. Sino naman ang gaganahang tumulong pa sa kanya?

“Kailan pa siya magpapakatino? Kailan pa siya magbabago, kapag sarado na ang pintuan ng showbiz para sa kanya? Ang galing-galing niya pa naman. Kung umarte siya, parang wala lang!

“Tinanggap na yata niya ang lahat ng mga papuri dahil sa acting niyang napakanatural. Pinapalakpakan siya, sina­sa­bihan ng bravo, excellent, magnifico!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris isasakay sa Kathniel!

 

May bagong gagawing pelikula sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. The House Of Us ang titulo ng proyekto, ang palamurang direktor na si Cathy Garcia Molina ang mamamahala, ito rin daw kaya ang pelikulang gagawin ni sa Star Cinema?

‘Yun kasi ang umiikot na balita, may makakasamang sikat na loveteam sa movie si Kris, ngayong tanghali nga raw magaganap ang kanyang homeco­ming sa produksiyon ng ABS-CBN.

Kung ito nga ang sinasabing pagbabalik-proyekto ng aktres-TV host sa bakuran ng Star Cinema ay nangangahulugan lang na kailangan ni Kris ng love­team na magdadala ng proyekto.

Malakas ang KathNiel. Kumikita ang mga ginagawa nilang pelikula at mataas ang rating ng katatapos lang nilang maaksiyong seryeng La Luna Sangre.

Isa pang katangiang meron ang KathNiel ay ang hindi nila pagpasok sa mga kontrobersiya na tulad ng kanilang mga kasabayang loveteam. Tahimik lang sina Daniel at Kathryn.

Malalim ang kanilang relasyon, hindi ‘yun pinapasukan ng third party at kung anu-anong kuwentong sila na nga ay nakikipagmabutihan pa si DJ sa ibang babae, kaya kalmado lang si Kathryn.

Sabik na ang manonood sa tambalan nila sa pelikula, ito na raw ang magsisilbing pinakahuling proyekto ng kanilang direktor bago ito magpahinga, napamahal na kay Direk Cathy Garcia Molina ang KathNiel.

At isang pagpansin. Ang ganda-ganda ngayon ni Kathryn Bernardo. Iba talaga ang idinadagdag sa kagandahan ng isang babae kapag meron siyang katahimikan ng kalooban, kapag punumpuno siya ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya, lalo na mula sa kanyang karelasyon.

Sa totoo lang.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with