^

PSN Showbiz

Sylvia gustong tumalon sa bundok!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sylvia gustong tumalon   sa bundok!

Sa susunod na linggo ay magwawakas na ang teleseryeng Hanggang Saan na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Kasama rin sa nasabing serye sina Sue Ramirez, Yves Flores, Teresa Loyzaga at Ariel Rivera.

Ayon kay Sylvia ay hindi na muna siya gagawa ng soap opera hanggang magtapos ang taon dahil halos nagkasunud-sunod ang kanyang mga proyekto sa telebisyon. “Magpapahinga rin naman ako kasi kailangan ko rin talaga. Para maging effective sa susunod na role ko,” bungad ni Sylvia.

Ngayon ay dalawang pelikula ang pinaghahandaan ng beteranang aktres. “Mayroon kasi akong naoohan na dalawang movies. Mabilis lang ang panahon, bukas makalawa October, November baka mayroon akong offer o kung ano man. Actually mayroon pero huwag muna kasi ayaw ko ma­ging unfair. Ayaw kong pagsawaan (ng mga manonood). Ayaw ko na ‘yon at ‘yon ang atake ko kasi alam ko na nandito na ako. Modesty aside, nakatatak na ako,” makahulugang pahayag ni Sylvia.

Kahit ilang dekada na ang aktres sa industriya ay mayroon pa rin palang karakter na pinapangarap gampanan mula pa raw noong kanyang kabataan. “Ang gusto ko talaga mag-action. ‘Yon talaga ang pangarap ko noong bata pa ako. Gusto ko naka-motor, gusto kong   tumalon sa bundok, gusto kong nakikipagbarilan kasi boyish ako. Sana magawa ko ‘yon,” pagbabahagi ni Sylvia. 

Maris at Inigo napipipi kapag pinag-uusapan ang relasyon

May bulung-bulungan na opisyal nang magka­sintahan sina Maris Racal at Inigo Pascual. Matagal nang nauugnay ang dalawa pero para sa aktres ay hindi na nila dapat pag-usapan ng anak ni Piolo Pascual kung ano man ang tunay na estado ng kanilang relasyon. “Hindi kasi namin pinag-uusapan ‘yung relationship talaga. Kasi ‘yon ang makakapag-complicate ng things. Gusto naming ginagawa ‘yung work namin, na magustuhan ‘yon ng producers o kung sino man ang nag-hire sa amin na gawin ‘yon. Kapag ganoong usapan, personal na lang,” paliwanag ni Maris.

Ayon sa dalaga at talagang malapit na magkaibigan pa lamang sila ni Inigo.

“Ngayon kasi hindi na gaya ng dati na ‘yung kung mag-holding hands tayo ay tayo na. Ngayon kasi parang marami na siyang labels. Kasi napansin ko sa generation namin ay fulfilled muna sa sarili nila bago gawin ‘yung maghanap ng partner,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Isang pelikula ang nakatakdang gawin ng tambalan nina Maris at Inigo sa mga susunod na buwan. “Movie and album ang aabangan nila sa akin,” pagtatapos ni Maris.

vuukle comment

HANGGANG SAAN

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with