Aiko hindi na engganyo sa offer ng GMA!
Aiko

Aiko hindi na engganyo sa offer ng GMA!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2018 - 12:00am

Kasama na rin si Aiko Melendez sa teleser­yeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Aminado ang aktres na nahirapan siyang mag-adjust sa bagong karakter bilang si Matadora. Matatandaang napasikat din ni Aiko ang karakter niya sa Wildflower na si Emilia Ardiente. “Hindi talaga nila ako tinigilan hanggang mawala ko ‘yung pagiging sosyal role ni Emilia. So ngayon I can safely say, nakakawala na ako do’n sa Wildflower,” bungad ni Aiko. “’Yung Wildflower kasi hard drama, ang fantaserye kasi is more of ‘yung itsura ko, deglamorized talaga ako. Tapos may isang eksena dito ‘yung action scene ko na first time ding nakita on national TV, from 11 a.m. to 5 p.m. kinunan pero ilang seconds lang napanood sa TV,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, nagbigay ng reaksyon si Aiko tungkol sa paglipat sa GMA ng mga kasamahan sa dating serye na sina Sunshine Cruz at Wendell Ramos. “With Sunshine kasi, I’m very close to her. So somehow I know that there was an offer sa kanya. In fact, ako din may offer ako sa kabila before. Sabay na sabay ‘yung Bagani and then ‘yung offer ko do’n sa kabila. But I opted to stay with Kapamilya dahil nga ang ganda ng Bagani. ‘Yung kay Wendell, hindi ko alam. It came as a shock to me kasi hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Wendell. Si Sunshine mas alam kong may offer sa kabila. Any growth sa mga kasamahan ko, I’d be the happiest kasi kami lang naman, especially with Sunshine, she’s a single mom, she just needed to work,” paliwanag ng aktres.

K Brosas gigil sa kanyang concert

Sa April 28 na gaganapin ang 18K concert ni K Brosas sa Kia Theater. Ito ang unang solo show ng singer pagkalipas ng walong taon.

Talagang tinutukan ni K ang bawat detalyeng gagawin para sa nasabing show. “Buong show alam ko na eh. Hindi ko alam kung bakit, kung may pagka-clairvoyant ako or talagang siksik, gigil ko lang na magka-concert. Alam ko na ang vision ng concert,” nakangiting pahayag ni K.

Si John Prats ang magiging direktor ng concert ng singer-comedian. Aminado ang aktor na na-challenge siya sa ibinatong mga ideya ni K para sa concert. “Kailangang ibigay ko ang dream concert niya kasi gigil talaga siya. Totoo ‘yung sinasabi ni Miss K. Alam niya kung ano ang gusto niya. Ang tagal niyang hinintay for this moment to come and ang challenge for me is matapatan ko visually ‘yung mga gagawin niya,” pagbabahagi ni John.

AIKO MELENDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with