_ngayon
^
Mahina, namumutla nang isugod sa ER, Janella na-heat stroke?
Janella

Mahina, namumutla nang isugod sa ER, Janella na-heat stroke?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2018 - 12:00am

Sa May 23 na ang showing ng So Connected na Regal Entertainment movie nina Janella Salvador at Jameson Blake.

May nabasa naman kami sa Twitter na nag-sorry si Janella sa grupo ng fans nila ni Elmo Magalona na kung tawagin ay Titas of Elnella dahil hindi siya nakapunta sa birthday party para sa kanya. Birthday ni Janella last March 30, pero hindi siya nakapunta.

Tweet nito, “I was just as excited as you all are and I really wanted to force myself to still go but i’m not in good enough shape to do so.”

Nasaktan si Janella sa tweets ng fans at nagpayo na mag-isip muna bago mag-tweet. “Now, i hope you TRULY understand that really am not feeling well today due to an episode of heatstroke and if I could go, I would. I’m not the promo puppet you guys are painting me to be. I will stand up for myself if I have to.”

Totoo naman palang not feeling well si Janella dahil nakita siya sa ER ng Cardinal Santos na maputla at mahina.

Babawi na lang si Janella dahil marami pa siyang birthday na darating.

Kumpirmado, naipon ni Carla ninakaw ng kanyang bff

Malalim pala ang dahilan sa post ni Carla Abellana sa Instagram (IG) na “disappointment” at sinundan ng comment na “A lot of people have been disappointing me a lot lately. Bakit kaya sunud-sunod? And why have they been letting me down like this? Lord kayo na po bahala sa kanila.”

Sa nabasa naming convo niya with her followers, tila nawalan siya ng pera at sa nag-suggest na iwasan ang mga taong nagbigay ng disappointment sa kanya, ang sagot ni Carla, “I can’t. Because they’re like family to me so staying away from them is impossible.”

Ibig sabihin, close kay Carla ang mga taong ito at may clue siya kung sino ang mga ito sa sagot sa nagpayo sa kanya na “Stop expecting.” Ang sagot ni Carla, “How can i not expect when it was part of their jobs? When they made promises? When they’re actually expected to do what they’re supposed to do, but didn’t.”

Sa isa pa niyang follower na nag-suggest na magdasal na lang si Carla at sumigaw at mawawala ang kanyang disappointment. Ang sagot ni Carla, “and so is a lot of my hard-earned money. Gone too.”

Sa sumunod na post ni Carla na “Never Let disappointment become Louder Than your worship” kalmado na si Carla. Pero hindi na kaya niya mababawi ang nawalang pera sa kanya? Magkano kaya ang perang nawala?

Samantala, nagtatanong ang fans ni Carla kung bakit matagal na itong walang ginagawang teleserye sa GMA-7? Ang I Heart Davao pa ang last series niya kasama sina Tom Rodriguez at Benjamin Alves. Si Tom may The Cure at si Benjamin kasama sa Karibal Ko Ang Aking Ina.

Mike maraming natutunan sa HIV

Eye opener kay Mike Tan ang mapasama sa cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 dahil marami siyang natututunan tungkol sa HIV at AIDS.

Una rito, hindi dapat agad dina-judge ang mga taong HIV+ at hindi dapat pandirihan.

Natutunan din ni Mike na hindi basta nakakahawa ang HIV kung hindi na active ang HIV cell ng patient maliban kung may open wound ito. Natutuwa rin ang aktor na maraming NGO ang tumutulong para ipalaganap ang mga maling akala tungkol sa HIV at AIDS at wish nitong makatulong ang soap na buksan ang isip ng mga judgemental.

Dahil sa kakyutan. Zia exempted sa network war 

Exempted sa network war si Zia Dantes dahil na-report sa ABS-CBN ang ginawa nitong “mini-concert” sa 10th anniversary party ng DongYa­natics fans ng parents niyang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mas sumaya ang party nang kumanta si Zia ng Bahay Kubo at How Far I’ll Go from the movie Moana. Hindi lang ‘yun, nag-sing and dance pa siya sa Baby Shark, kaya tuwang-tuwa ang fans.

Nakikitang tinuturuan ni Marian na magsayaw si Zia habang very proud na nakatingin si Dingdong.

Sa isang video, abala ang aktor sa pagkuha ng picture ni Zia habang kumakanta at nasa tono siya.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with