Bianca gabi-gabing binabangungot dahil sa muntikang pagkalunod
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

Sumasailalim pa rin sa counseling si Bianca Manalo dahil sa trauma mula sa aksidenteng naranasan. Matatandaang muntikan nang malunod ang aktres sa Antique kamakailan nang tumaob ang bangkang sinasakyan kasama ng kasintahan at ilan pang mga kaibigan. “I’m seeking help from my psychologist, the last time I had two-hour session with her and sometimes sinasabi naman niya na hindi talaga madali. I texted her ‘pag may moment ako nagkakaroon ako ng anxiety attacks. I text her randomly na, ‘Doc, this what I am feeling right now,” kwento ni Bianca.

Ayon sa dalaga ay madalas ding nananaginip siya ng hindi magagandang bagay. “Everyday when I wake up in the morning, I still have nightmares. Naiisip ko pa rin nasa dagat ako. Noong isang araw, ang panaginip ko nasa dagat ako na hinihila ako ng whale. Kaninang umaga ‘yung dream ko, nalulunod ako sa dagat. So lahat dagat related pa rin,” pagdedetalye ni Bianca.

Nakararanas man ng ganitong mga pangyayari ang aktres ay sinisikap naman daw nitong maglibang upang makalimutan ito. “I’m back working, alive and kicking. Second life ko na ito, so I make the most out of it. I know one day at a time this shall pass. Ito ‘yung mga ganitong ganap sa beauty pageant, normal, balik sa dati,” pagtatapos niya.

Balikang Carlo  at Angelica binuko ni Jayson

Ilang linggo nang bulung-bulungan ang tungkol sa pagbabalikan diumano nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Para sa malapit na kaibigan ng aktres na si Jayson Gainza ay maayos naman ngayon ang turingan ng dating magka­sintahan. “Ngayon naman nag-e-enjoy na siya (Angelica) kasi busy na siya ngayon sa pelikula. Tapos itong Playhouse ginagawa niya with Zanjoe Marudo. Sana makahanap na siya ng totoong magmamahal talaga sa kanya,” nakangiting bungad ni Jayson.

Ayon sa komedyante ay madalas umanong dumadalaw si Carlo sa kanilang taping ng Banana Sundae kung saan magkasama sina Angelica at Jayson. “Napapadaan lang. Kasi nga dati no’n merong meeting lang yata na dumating din kasama rin ‘yung mga kaibigan nila kasi kaibigan din nila si John Prats. Nagbibiru-biruan sila,” kwento ni Jayson.

Kung mabibigyan ng pagkakataong magkabalikan sina Angelica at Carlo ay isa raw si Jayson sa mga matutuwa para sa dalawa. “Oo naman. Okay lang naman sa akin. Binata naman si Carlo, tapos mabait naman,” giit ni Jayson.   

BIANCA MANALO
Philstar
  • Latest
Latest