Beach wedding nina Billy-Coleen at Rachelle-Martin sa isla magkasunod ang araw
(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

SEEN: Ang magkasunod na araw na beach resort wedding nina Rachelle Ann Go at Billy Crawford. Ikakasal si Rachelle Ann kay Martin Spies sa Boracay island sa April 19 at kinabukasan, April 20, ang Balesin island wedding nina Billy at Coleen Garcia.

SCENE: Dalawang wedding reception ang inihanda nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Isa para sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan na dadalo sa Balesin wedding at isa para sa  Metro Manila friends na hindi imbitado sa mismong araw ng kasal nila.      

SEEN: Working title pa lang ang Abay Babes dahil posibleng palitan ito ng pamagat na The Bitch Wedding. Mga bida sa bagong pelikula ng Viva Films sina Roxanne Barcelo, Cristine Reyes, Meg Imperial, Nathalie Hart at Kylie Verzosa.

SCENE: Ang malungkot na balita na hindi tinangkilik ng moviegoers ang Almost A Love Story, ang pelikula nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na ginastusan ng movie producer dahil kinunan sa Italy ang mga eksena ng pelikula.

SEEN: Pinabinyagan ni Chris Tiu at ng kanyang asawa noong weekend ang kanilang second daughter na binigyan nila ng pangalan na Mari Diana.

SCENE: Sa April 30 ang pilot telecast ng The Cure, ang drama thriller primetime television series ng GMA 7. Si Mark Reyes ang direktor ng The Cure.

SEEN: Nilinaw ni Senator Manny Pacquiao na hindi pa siya nagdedesis­yon tungkol sa magiging head trainer niya sa laban nila ni Lucas Matthysse sa July 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia na taliwas sa balita na out na si Freddie Roach sa Pacquiao camp.

BILLY CRAWFORD RACHELLE ANN GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with