Kuhol napupulitika, kinasuhan ng child abuse!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

Shocked ako sa balita na sinampahan ng child abuse case ang comedian na si Kuhol dahil sa panghahalik niya sa isang batang babae.

Kilala ko nang personal si Kuhol dahil pumunta ito noon sa bahay ko dahil naninirahan din siya sa Fairview area.

Magalang at mabait ang ugali na ipinakita sa akin ni Kuhol kaya nakakagulat malaman na nangmolestya siya ng ten year-old girl.

May kutob ako na politically motivated ang nangyari kay Kuhol dahil kandidato siya sa lugar namin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa akusasyon laban sa kanya dahil mabuting tao ang pagkakilala ko sa kanya. Marami siyang natutulungan na tao sa barangay namin at every Sunday, nagkikita kami sa simbahan.

Maricel matagal nanabik umarte

Masaya ang fans ni Maricel Soriano dahil active na uli siya sa paggawa ng pelikula at paglabas sa TV.

Starring si Maricel sa  2 Mommies ng Regal Entertainment Inc. at may special participation siya sa The General’s Daughter ng ABS-CBN.

Ang 2 Mommies ang Mother’s Day presentation ng Regal sa May 9 at ang The General’s Daughter ang ipapalit ng ABS-CBN sa Ang Probinsyano.

Rejoicing ang fans ni Maricel dahil natupad ang kanilang hiling na mapanood uli sa pelikula at TV ang Diamond Star.

Madali para kay Maricel ang mag-comeback dahil talented actress siya. Beside, sure din na missed na missed na ni Maricel ang pag-arte dahil ito na ang propesyon na nakagisnan niya. Imagine, six years old pa lang, child actress na si Maricel kaya almost five decades na siya na umaarte.

Former singer at ex gusto pa ring ilihim ang pinaggagawa

Hindi itinatanggi ng former male singer ang love affair niya sa ex-girlfriend ng isang popular male singer pero hindi pa siya ready na magkuwento tungkol sa kanilang relasyon.

Obviously, iginagalang ng male singer ang privacy ng girl na never na nagsalita noon tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa popular male singer na nagbunga ng isang anak.

Talk of the town noon ang love story ng girl at ng popular male singer pero walang nakapilit sa kanya na magpainterbyu  tungkol sa kanilang relasyon na humantong din sa hiwalayan portion.

Separated din ang male singer sa asawa niya. May dalawang anak ang male singer na kasundong-kasundo ng kanyang current girlfriend at ng anak nito sa popular singer.

Back to Macau…

Balik-Macau  ako at nag-stay uli kami ng mga kasama ko sa Venetian hotel.

Maraming Pinoy pa rin ang nagtatrabaho sa Venetian na pugad talaga ng mga mahihilig magsugal.

Noong September 2017 ang last visit ko sa Macau. Dun ko unang nakasama si Cong. Albee Benitez.

As usual, nasa kuwarto lang ako dahil para sa akin, ito ang tunay na bakasyon, natutulog at nanonood lang ng TV sa loob ng kuwarto.

Lumalabas lang ako kapag kakain na kami ng mga kasama ko.

Maraming salamat kay Tet de Joya dahil siya ang punong-abala sa pag-aasikaso sa  Macau and Hong Kong trip namin.

Overnight lang kami sa Macau dahil dumating kami ng Sabado at kahapon, nagpunta na kami sa Hong Kong.

At bilang sandali lang kami sa Macau, hindi na namin nabisita ang Mt. Carmel Church, ang venue ng pag-iisang dibdib ni Papa Joey de Leon at ng love of his life niya na si Eileen Macapagal.

CHILD ABUSE CASE KUHOL
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with