Kristine  walong taon nawala   sa kapamilya
Kristine walong taon nawala sa kapamilya
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

Ginulat ni Kristine Hermosa ang mga tagahanga sa ginawang pagbabalik sa telebisyon noong isang linggo. Kasama na ang aktres sa teleser­yeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon kay Kristine ay hindi na­ging madali sa kanya ang muling pagtatrabaho sa harap ng kamera. “You know naman my heart naman talaga is sa family na eh. I prayed about it and I asked God, ‘Lord, ano ba? Gusto mo na ba akong bumalik talaga?’ Alam ko na baka imposible and then it worked out. Parang nag-yes sila sa lahat ng ano… lalo akong kinabahan,” nakangiting kwento ni Kristine.

Walong taon na ang nakalilipas nang huling mapanood ang aktres  sa teleseryeng Noah sa Kapamilya network. Aminado si Kristine na talagang nanibago siya sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng serye. “Siyempre, kapag bago ka ulit with what you’re doing, siyempre parang nangangapa ka uli sa mga tao, sa lahat. But I’m happy, I’m okay,” giit niya. Ikinatuwa ni Kristine ang location ng kanilang taping sa Bagani dahil madalas umano silang mag-shoot sa parehong lugar noon para sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo. “Dito pala kami nag-shoot ng Pangako Sa ‘Yo. On my first day, when I went out of the car parang familiar ‘yung set. Ang tagal ko pala talagang nag-shooting dito,” pagbabahagi ng aktres.

JM at Barbie, kabado sa araw gabi

Malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang teleseryeng Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktor para sa bagong proyekto. “Malapit na kami umere, nakaka-excite. Parang pinaghalong excitement at kaba kasi personally kakapitan mo ‘yung character. Parang mapapa-wonder ka kung paano siya magbabago doon sa journey niya. Paano siya maapektuhan ng babae and sobrang ganda ng story,” bungad ni JM.

Para sa aktor ay magaan ang kanyang loob sa bagong Kapamilya actress na kanyang katambal ngayon. “Si Barbie, una ko pa lang siya nakita, alam ko may potential siya. Mahirap ang mga eksena namin, nag-workshop kaming dalawa,” kwento ni JM.

Ayon naman kay Barbie ay inakala niyang masungit si JM noong hindi pa niya nakikilala nang personal ang aktor. “Impression ko sa kanya parang suplado pero hindi talaga. Napakabait niyang tao at matulungin. Kahit magaling na siyang aktor tinutulungan niya pa rin ako,” kwento ni Barbie. Sobrang kabado ang aktres para sa kauna-unahang programa na kanyang pagbibidahan sa ABS-CBN. “Sobrang kinakabahan po ako. Siyempre iba-iba po ‘yung nasa isip ng tao. May mga taong magugustuhan, may iba rin na hindi rin nila magugustuhan. Pero siyempre nagpi-pray lang ako na sana hopefully magustuhan nila. Kasi maganda ‘yung story and pinaghandaan po talaga naming lahat ito,” pagtatapos ni Barbie.

BAGANI KRISTINE HERMOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with