Kris nagtrabaho sa Japan!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

Nasa Tokyo na sina Kris Aquino, mga anak na sina Bimby at Josh at ibang kasama na nanggaling sa Osaka para sa TVC shoot ng endorsement niyang Asvel of Japan. Sa Tokyo, ise-celebrate ni Bimby ang birthday niya sa April 19 and after Bimb’s birthday, saka pa lamang sila babalik ng Pilipinas.

Ang maraming bagahe nina Kris ang napansin ng followers niya sa Instagram (IG), na kumasya naman sa sinakyan nilang train from Osaka to Tokyo.

Pagbalik from Tokyo, saka ia-announce ni Kris kung ano sa movie offers ang kanyang gagawin kabilang dito ang offer nf TEN17 Productions ni director Paul Soriano na looking forward na maidirek si Kris na ninang pala nila ni Toni Gonzaga.

Lovi walang paki sa selos ng AlDub!

Na-bash si Lovi Poe ng ilang selosang AlDub fans dahil habang nasa abroad para sa Sikat Ka Kapuso show nila nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Alden Richards, Betong Sumaya at Dingdong Dantes, napansin ng fans na lagi siyang nakadikit kay Alden. Pero si Lovi, deadma sa bashers.

“My reaction? Nothing. I’m not affected. Okay lang. We’re good friends. Yung pagdikit ko kay Alden, kasama sa blocking ‘yun, part of the job at hindi maiwasan. The only thing you can handle is your reaction, eh wala akong reaction,” sabi ni Lovi.

Hindi man natuloy si Lovi sa movie ng Imus Productions at sa pagtatambal nila ni Bryan Revilla, dalawang pelikula pa rin ang gagawin niya. Isa rito ang Latay at movie sa Regal Entertainment.

Jackie sumumpong na naman Ang kamalditahan!

Gustong makapag-focus ni Jackie Rice sa pagiging kontrabida sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kaya on leave muna siya sa Bubble Gang. Hindi raw niya kayang pagsabayin na nagko-comedy siya sa gag show at nagdadrama sa isa pang show.

Kaya kahit malaking bawas sa talent fee na one month na siyang hindi nagti-taping sa Bubble Gang, walang regrets si Jackie dahil nakakapag-concentrate siya bilang si Ava Imperial, ang kasama ni Gina Alajar na main contravida ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Nag-paid off ang sakri­pisyo ni Jackie dahil napapansin ang husay niya bilang si Ava, nagagalit sa kanya ang televiewers at naba-bash siya. Sine-send niya kay director Neal del Rosario ang pamba-bash sa kanya na hindi niya sineseryoso.

Pasalamat si Jackie na nakasama siya sa cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil hindi lang ang manonood ng show ang natututo dahil pati siya maraming natututunan. Nabuksan ang isip niya na hindi nakakahawa ang HIV at nalaman din na puwedeng idemanda ang nagtsitsismis na may HIV ang isang tao lalo na ‘pag hindi totoo.

KRIS AQUINO LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with