‘Di natiis, magulang ni Billy dadalo na sa kasal nila ni Coleen!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

Although araw na lamang ang binibilang bago ang beach wedding nina Billy Crawford (35) at Coleen Garcia (25) na gaganapin sa Balesin Island, hindi pa rin nire-reveal ng soon-to-be Mr. & Mrs. Billy Crawford ang exact date ng kanilang kasal.

Last Saturday, April 14 ay binigyan ng Despedida de Soltera si Coleen na ginanap sa Plaza Ibarra in Pasay City at dinaluhan ng respective families nina Billy at Coleen ganun din ng kanilang malalapit na kaibigan.

Contrary sa mga naunang balita na hindi makakadalo sa kasal nina Billy at Coleen ang parents ni Billy na naka-base sa Texas dahil narito na sa bansa ang mga magulang ni Billy na dumalo sa Despedida de Soltera at maging sa beach wedding ng couple in the next few days.

Samantala, kahit hiwalay na ang parents ni Coleen (since she was 9), parehong dadalo ang kanyang dad na si Jose Garcia at mommy niyang si Maripaz Magsaysay (now married to ex-PBB housemate JB Magsaysay) sa kanilang kasal ni Billy.

Negosyo ni Krista at mister sa Amerika  isasara na

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin kamakailan lamang ay magkakasunod na magsasara umano ang sampung branches ng Island Pacific Supermart (all over California, USA) na pag-aari ng mister ng aktres na si Krista Ranillo na si Nino Jefferson Lim?  Isa umano sa Seattle, Washington, tatlo in L.A. at Orange County, tatlo sa San Francisco, San Diego at Vermont Rancho Cucamonga.

Ayon sa a­ming source, naka-closing out sale umano ngayon ang sampung branches ng Island Pacific Supermart kaya dagsa umano ang a­ting mga kababayan sa pinakamalapit na branch ng nasabing supermarket dahil ang mumura umano ng mga Filipino foods and items na naka-sale nga­yon.

Ang mag-asawang Nino at Krista na naka-base ngayon sa L.A.  ay may tatlong anak, sina Nolan Jayden, Natalie Lourdes at Nate Jacob Lim.

Maymay dapat nang tantanan ang panggugusot sa mukha!

Thankful pareho sina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang fans dahil ang mga ito ang nagpu-push sa kanilang dalawa na alagaan ang kanilang loveteam.

While everybody thinks na may unawaan na sa isa’t isa ang dalawang ex-PBB housemates, klinaro ni Maymay na mag-best friends umano sila ni Edward at nagtutulu­ngan umano sila sa lahat ng bagay lalo na kapag ito’y may kinalaman sa kanilang respective careers at ma­ging sa kanilang tambalan.

Bukod sa mga fans, nagpapasalamat din sina Maymay at Edward sa ABS-CBN dahil sa tiwala na patuloy na ibinibigay sa kanilang dalawa.

“Wala naman pong MayWard kung hindi dahil sa ABS-CBN at sa mga fans namin,” pahayag ni Maymay na dapat alisin na ang kanyang mannerism na nagmi-make faces.

Aly ‘di naramdaman sa birthday ni KC

Mukhang tuluyan na ngang nagkahiwalay ng landas ang (da­ting) magkasintahang KC Concepcion at ang football player na si Aly Borromeo dahil ibang guy ang kasama ni KC sa El Nido, Palawan recently, ang kanyang French ex-boyfriend na si Hugo de Charette at ibang mga kaibigan.

KC turned 33 last April 7 pero wala itong post na kasama si Aly on her birthday.

Speaking of KC, marami ang nagtataka kung bakit wala pa rin itong assignment sa bakuran ng ABS-CBN at maging sa Star Cinema.

Bakit nga kaya?

BILLY CRAWFORD COLEEN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with