Rachelle Ann kinasal na sa Bora! ; Tsinitong actor nabiktima ng tsismosong make up artist!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

PIK: Excited ang Cavite Vice Go­vernor Jolo Revilla dahil ngayong araw ay magti-taping na siya para sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Natutuwa siya dahil maganda ang role at muling makakatrabaho raw niya si Coco.

“Nakatrabaho ko na siya before during Agimat days ni Lolo (Ramon Revilla Sr.).

“Parang launching ko yun eh, under Imus Productions. Kaya nakakatuwa at saka naging close naman kami dahil nagkasama naman kami nun sa Agimat sa ABS.

“Nakakatuwa, dahil hindi siya nakalimot,” pahayag ni Jolo.

Nagpapasalamat din siya dahil magiging bahagi siya sa te­leserye ni Coco na nagpapabalik ng aksyon sa TV at pati sa movies.

“Isang karangalan para sa akin para mapasama at mabilang sa mga mag-guest sa Ang Probinsyano,” pakli pa ni Vice Gov. Jolo.

Nagpapasalamat din siya dahil kahit si Jodi Sta. Maria ay all-out ang suporta sa pagbabalik niya sa pag-arte.

Pati nga sa pelikulang ginagawa niya ngayon under Imus Productions ay may suggestions din si Jodi para sa ikagaganda ng pelikula.

PAK:  Mabait ang tsinitong aktor na ito, kaya nagtataka ako bakit ang ibang production staff kagaya ng make-up artist ay nagkakalat pa ng kung anu-anong kuwento tungkol sa kanya.

Naiparating kasi sa amin ng isang kaibigan na nagkukuwento raw ang make-up artist ng teleseryeng kinabibilangan ni tsinitong aktor na sobrang selan daw nito sa make-up na gina­gamit sa kanya.

Bago raw siya ayusan, nagtatanong daw si aktor kung malinis ba ang gamit at kung ano ang make-up na gamit.

Nang ipinakita ni make-up artist ang mga gamit niya, ayaw daw ni aktor. ‘Yung sariling make-up na lang daw niya ang gamitin. Pero nang inabot daw kay make-up artist ang make-up na dala ni aktor, tumaas daw ang kilay nito dahil marumi naman daw, lalo na ang sponge nito. Pero pinilit daw ng actor ‘yun na lang ang gamitin.

Pati ang hair brush ni tsinitong actor ay nilait din daw ng make-up artist dahil halos uka-uka na raw.

Dapat yata ay mag-ingat ang production sa pagkuha ng mga staff nila kagaya ng make-up artist na tsismoso. Ano naman ngayon kung marumi ang make-up ni aktor, eh gamit naman niya iyun at siya naman ang nakadumi nun? Kesa naman gamitin niya ang hindi niya gamit na ibang tao ang nakadumi.

BOOM: As of presstime ay hinihintay pa namin ang kumpirmasyon ng kampo ni Rachelle Ann Go kung kahapon nga ba ang wedding nila ng American boyfriend niyang si Martin Spies.

Ayon sa aming reliable source, lumipad na pa-Boracay sina Rachelle Ann at Martin kasama ang kanilang pamilya.

Nagkaroon pa raw si Rachel Ann ng pictorial sa isang ma­gazine nung kamakalawa ng hapon pero nagpa-cut off daw ito ng alas-sais ng gabi dahil dadalo pa siya sa kanyang bridal shower.

Napag-alamang lumipad na rin daw pa-Boracay si Sarah Geronimo kahapon pagkatapos ng successful concert niya sa Smart Araneta Coliseum.

Sumunod na rin daw sina Mark Bautista na nag-guest sa concert ni Sarah. Inaasahang dadalo rin daw ang ex-boyfriend ni Shin na si Christian Bautista na kagagaling lang din sa concert nila nina Regine Velasquez at Julie Anne San Jose sa Dagupan, Pangasinan.

Natandaan pa naming nag-propose si Martin kay Rachelle Ann sa Boracay nung mismong kaarawan ng singer nung September last year.

Nabanggit din ni Mark sa nakaraang interview niya sa radio program ni Noel Ferrer na April ang kasal ni Rachelle Ann at Martin, kaya baka nga iyun na ‘yun. Pero wala pang may nagkumpirma ng eksaktong date.

Aalamin pa natin ang buong detalye. Abang-abang na lang.

COCO MARTIN RACHELLE ANN GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with