Kahit golden girl na,  Lani  parang hindi tumatanda!
Kahit golden girl na, Lani parang hindi tumatanda!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

Hindi na ako nagpunta sa 50th birthday celebration ni Bacoor City Mayor Lani Mercado sa Bacoor, Cavite noong Biyernes dahil feeling sad ako.

Naka-confine kasi si Mother Lily Monteverde at si Christopher de Leon sa ospital at dahil understanding si Lani, naintindihan niya ang reason ko sa hindi ko sa pag-apir sa birthday celebration niya.

Pero may nagkuwento sa akin na tuwang-tuwa ang constituents ni Lani dahil nakita nila ang kanilang favorite stars, sina Vice Ganda, Gabby Concepcion, Randy Santiago at maraming iba pa.

Sa mundo ng politics, sina Senator Grace Poe at former president Gloria Macapagal-Arroyo ang mga bisita ni Lani.

Good health at makalaya na sana si Bong Revilla, Jr. ang mga birthday wish ko para kay Lani na golden girl na pero ang gandang-ganda pa rin at parang hindi tumatanda.

Christopher kailangan ng dasal, nasa peligro ang buhay

Sad ako dahil talagang nalagay sa peligro ang buhay ni Christopher de Leon dahil sa isang aksidente sa taping. Ayaw kong sisihin sa nangyari ang kaeksena niya na si Marvin Agustin or ang production staff ng Kambal Karibal.

Ang aksidente ay hindi naiiwasan sa buhay natin kahit saan propesyon, kahit nga nasa bahay ka lang, puwede ka ma­aksidente.

Kahit si Christopher, naawa sa taga-production staff sa nangyari. Actually, napakabait ng GMA 7 na hindi pinabayaan si Boyet sa tatlong beses niya na pagpasok sa ospital.

Nag-alok pa ang GMA 7 management na bayaran, hindi lang ang hospital bills kundi pati ang ilan sa mga araw na hindi makakapagtrabaho si Boyet dahil baka abutin ng dalawang buwan bago siya makapag-taping o shooting.

Kahit ano talaga ang ingat mo, kahit lahat gawin mo, dapat mag-ingat din ang mga kasama mo, dapat kahit sanay na sa trabaho ang in charge, i-check pa rin niya.

Regular supplier ng production ang propsman pero nangyari pa rin ang aksidente. Wala kang puwede sisihin, dahil nangyari na.

Mabuti na lang, si Christopher ang na­ging eye opener sa lahat. Ipagdasal po natin si Christopher, dahil may medical condition si Sandy Andolong, may cancer scare ang isang anak pero gumaling na, nagkaroon  ng car accident ang isa pang anak.

Wow, a test of faith and love talaga ang mga nangyayari ngayon sa buhay ng Drama King. Sana tulad sa pelikula, ma­ging happy ending lahat in the grace of God, dasal lang. Get well soon Christopher.

Siyempre, ipagdasal din natin ang pagga­ling ni Mother Lily Monteverde na nagbigay sa akin ng malaking break sa showbiz at unang tao na nagdala sa akin sa Hong Kong. Get well soon Mother!

Kinasabikan, concert ni sarah niragasa ng fans!

Congrats kay Sarah Geronimo dahil big success ang This I5 Me, ang 15th anniversary concert niya kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-enjoy ang mga nanood ng concert kaya asking sila kung magkakaroon ng repeat ang This I5 Me. Abangan na lang natin ang announcement ng Viva Live tungkol sa possible repeat ng concert ni Sarah dahil marami ang nagtatanong.

At dahil successful ang show ni Sarah, walang complimentary tickets para sa mga nanghihingi dahil super sold out ang This I5 Me bilang nasabik ang fans sa Pop Star Royalty na minsan lang magkaroon ng concert pero talagang inaabangan.

LANI MERCADO LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with