Miss Universe 2018 itataon sa opening ng Boracay!
(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

Sa ‘Pinas uli kahit nalugi si Chavit

SEEN: Nilagyan dapat ng caption ang mga dialogue ni Eula Valdes sa hospital scene nito sa huling gabi ng The Good Son noong Biyernes dahil nahirapan ang viewers na intindihin ang mga sinabi niya.

SCENE: Big deal sa fans ni Kristine Hermosa ang guesting nito sa Bagani dahil walong taon siyang hindi lumabas sa mga programa ng ABS-CBN pero napanood sa mga programa ng GMA 7, ang Bossing & Ai, Hay Bahay at Vampire ang Daddy Ko, ang mga show ng kanyang mister na si Oyo Sotto.

SEEN: Umaasa ang Pinoy beauty contest fans na idaraos sa Pilipinas ang Miss Universe 2018 na magaganap sa November 25, 2018 at itataon ito sa pagbubukas ng Boracay island na ipinasara ng gobyerno para sa rehabilitation.

SCENE: Ang balita na malaki ang nalugi sa politician at businessman na si Chavit Singson, isa sa mga investor ng Miss Universe 2016 kaya hindi na siya interesado na sugalan ang Miss Universe 2018.

SEEN: Magaganap sa June 3 ang awards night ng The Eddys, ang award-giving body ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED). Partner ng SPEED ang Film Development Council of the Philippines.

SEEN: Ang mag-ipon ang goal ng sexy actress na si Nathalie Hart dahil naranasan nito na maubos ang kanyang savings dahil sa sobrang hilig niya sa shopping. Nanghihinayang si Nathalie sa mga pera na ginastos niya noon.

SCENE: Magsisimula sa darating na linggo ang taping ni Jolo Revilla para sa FPJ’s Ang Probinsyano. Tiniyak ni Jolo na walang conflict sa mga obligasyon niya bilang Vice Governor ng Cavite ang kanyang taping para sa primetime teleserye ni Coco Martin. 

CHAVIT SINGSON ISS UNIVERSE 2018
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with