Sirkus finale ngayong Linggo na!
(Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi dapat palagpasin ang huling episode ng Kapuso adventure-filled fantasy series na Sirkus ngayong Linggo (April 15).

Nagbuwis ng buhay ang lider ng Sirkus Salamanca na si Master Leviticus (Gardo Versoza) upang sagipin ang kambal na sina Mia (Mikee Quintos) at Miko (Mikoy Morales) mula sa mga kamay ni La Ora (Cherie Gil).

Bago siya malagutan ng hininga, binigyan ni Master Levi ang kambal ng isang huling misyon: sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan bilang itinakdang Tempus, kailangan nilang bumalik sa nakaraan upang baguhin ang isang mahalagang kaganapan. Pupunta sila sa Pulang Pista upang makilala ang batang si Leviticus (David Remo) at mabigyan ito ng babala upang mapigilan ang isang batang babae na maging masama sa hinaharap.

Sa kasalukuyang panahon naman, buong-tapang na haharapin ng Sirkus team si La Ora habang naghahasik ito ng lagim sa mundo.

Huwag palampasin ang katapusan ng Sirkus, ngayong Linggo, 6:10 p.m. sa GMA 7.

CHERIE GIL SIRKUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with