Christopher
Christopher nasa ICU, nahimatay dahil pa rin sa tama ng baril
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2018 - 12:00am

Nasa ICU (Intensive Care Unit) pa rin ng Asian Hospital si Christopher de Leon matapos itong mag-seizure dahil sa blood infection. Last Tuesday nang isugod siya sa nasabing hospital matapos umanong mawalan ng malay.

Epekto pa rin daw ito ng tumamang bala ng baril sa singit ng award winning actor sa last taping day niya sa seryeng Kambal Karibal ng GMA 7 kung saan pumalpak ang baril na ginamit sa eksena nila ni Marvin Agustin.

Middle last month nang operahan ang actor sa nasabi ring hospital matapos manakit ang legs niya dahil nga raw sa tama ng supposedly ay blank bullet sa eksena na papatayin ni Marvin si Boyet.

Ayon daw sa mga doctor kung tumaas pa ‘yung tama sa groin, malamang na namatay ang aktor.

Nung una ay inakala ng lahat na mababaw lang ang tama ng wax o powder ng blank bullet kaya hindi agad ito nagpa-check up at bumiyahe pa ang actor ng Marawi. Pero hindi raw ito nakatiis sa matinding sakit sa legs at nang dalhin sa ER ay sinabihan agad nun na kailangang operahan agad.

After ng operation ay ang akala raw ng actor ay ayos na ang lahat. Pero ito nga, bigla raw itong hinimatay at nang isugod ay sinabing may infection na sa blood at kailangang gumaling agad bago pa kumalat sa buong katawan. Malamang din daw na operahan ito.

Dalawang buwan umanong hindi puwedeng mag-trabaho ang aktor ayon sa isang insider ng Asian Hospital.

Iyak umano ng iyak ang misis ng aktor na si Sandy Andolong dahil sa takot.

Get well soon Papa Boyet.

Jadine movie pakakawala sa Middle East

Mapanood na rin sa Middle East ang pelikulang Never Not Love You, ang pinupuring pelikula nina James Reid and Nadine Lustre na palabas pa rin sa mga sinehan hanggang ngayon.

Ayon sa lumabas sa story sa The Hollywood Reporter, ang nasabing pelikula ang magbubukas ng agreement ng Gulf Entertainment at ni Mr. Vic del Rosario kasama ang ibang movie industry movers and leaders sa Gulf and Southeast Asia para mag-focus sa Filipino and Southeast Asian movies sa Middle East.

Ayon pa sa report, kasama sa agreement ang Front Row Film Entertainment na ang plano ay mag-release ng 10 to 12 Filipino titles every year na sisimulan nga sa Never Not Love You.

So talagang mag-iikot sa maraming bansa ang latest movie ng JaDine na almost P100 million na umano ang kita sa takilya to date.

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with