Kapamilya hindi na interesado kay Derek?
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2018 - 12:00am

Sa pelikula lamang ba interesado kay Derek Ramsay ang ABS-CBN at hindi sa TV? Wala nang kontrata ang hunk na aktor sa TV5 at inanunsyo na nito ang kanyang availa­bility pero, wala pa umanong offer siyang natatanggap hanggang sa ngayon.

May kontrata naman siya para gumawa ng ilang pelikula sa Star Cinema at habang naghihintay siya ng trabaho sa TV, gagawin muna niya ang movie nila ni Bea Alonzo.

Ruru nakakuha na  ng kapalit ni Gabbi

Karagdagan sa cast ng Sherlock Jr. ang dating Kapatid princess na si Sophie Albert, kasabay ni Vin Abrenica na nadiscover ng TV5 sa isang talent search na isinagawa nila. Nasa ABS-CBN na si Vin habang isa nang Kapuso si Sophie at kasama sa cast ng Sherlock Jr. na nagtatampok kay Ruru Madrid bilang isang action star.

Inaasahan ng manonood na siya ang makakapalit ni Gabbi Garcia na panga­lawang kapareha ni Ruru na nawala sa palabas. Una si Janine Gutierrez na pi­nalitan ni Gabbi na hindi inaasahan ng lahat ay maagang mawawala rin pala sa serye.

Derrick natakot seryosohin  si Maine?!

Sa dami nang na-link kay Derrick Monasterio, kakataka na hanggang ngayon ay single pa rin siya. Guwapo naman ito, matangkad, marunong umarte at kumanta. Ano pa kaya ang kulang at ‘di nakasapat ang mga ito para sagutin siya ni Barbie Forteza at makalawang ulit pa siyang binasted? Di rin ba siya pumasa sa ka-loveteam niyang si Bea Binene? Nagkaro’n din daw siya ng pagkakataon na makaibigan si Maine Mendoza pero, totoo bang natakot siya sa AlDub fanatics? Tsk.Tsk. Tsk.

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with