Derrick aminadong butata kay Barbie
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2018 - 12:00am

Sa presscon ng Oh, Boy! Oh Lol!, inamin ni Derrick Monasterio na niligawan umano niya si Barbie Forteza pero mas pinili nito ang kapwa nila Kapuso na si Jak Roberto.

“May mga katangian siguro si Jak na wala sa akin,” biro nitong pahayag habang nakikinig lamang sa kanyang tabi ang young actor na si Jak.

Pero sa kabila na hindi siya naging mapalad sa puso ng kanyang partner, masaya pa rin si Derrick dahil madalas pa rin silang magkatambal ni Barbie sa ilang teleserye ng Kapuso Network.

Hindi naman nakakaramdam ng insecurity si Jak dahil kaibigan din niya si Derrick.

Donita wala nang sama ng loob kay Willie

Walang hinanakit ang komedyanteng si Donita Nose sa TV host and game show producer na si Willie Revillame kahit natanggal siya sa programang Wowowin. Sa halip na sumama ang kanyang loob ay nagpapasalamat pa siya kay Willie dahil sa malaking break na ibinigay nito sa kanya.

Moving on, isa si Donita sa mga tampok sa nalalapit na concert na pinamagatang Oh, Boy! Oh, LOL! na tinatampukan din nina Rocco Nacino, Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea at ng isa pang komedyanteng si Super Tekla na mapapanood sa Music Museum sa dara­ting na May 18 sa ganap na ika-8 ng gabi.

Masaya si Donita Nose na kasama sila ni Super Tekla ng apat na young sexy barakos na tiyak daw na makakapagbigay ng kakaibang aliw sa mga mano­nood.

Marvin hindi kayang i-give up ang career

Kung gugustuhin ng actor and successful entrepreneur na si Marvin Agustin ay puwede na siyang huminto sa kanyang showbiz career at mag-focus lamang sa kanyang mga itinayong iba’t ibang restaurant businesses (with his business partners) pero sadyang iba ang kanyang passion pagdating sa showbiz kung saan siya nagsimula at nakilala. Katunayan, mas gusto pang palawakin ni Marvin ang kanyang showbiz career by spreading his wings bilang isang director at producer.

Nagpapasalamat si Marvin sa pamu­nuan ng GMA dahil sila ang unang nagtiwala sa kanya sa pagdidirek sa telebis­yon sa pamamagitan ng special episode ng drama anthology na Magpakailanman hosted by veteran news anchor  Mel Tiangco.

Sa darating na Sabado, April 14, ay mapapanood ang TV directorial debut ni Marvin sa pamamagitan ng Love Conquers All: The Will Dasovich and Alodia Gosiengfiao Love Story ng Magpakailanman na tatampukan nina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez kasama sina  Miguel Faustman, Rob Moya at iba pa.

.BARBIE FORTEZA DERRICK MONASTERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with