_ngayon
^

PSN Showbiz

Joshua, pinagsisihan at iniyakan ang pakikipag-flirt sa ibang babae!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, pinagsisihan at iniyakan  ang pakikipag-flirt sa ibang babae!

Matapos mag-sorry kay Julia

Noong Martes ay naging emosyonal si Joshua Garcia sa aming naging panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda. May kinalaman ito sa estado ng kanilang relasyon ng kasintahang si Julia Barretto. Ilang linggo nang usap-usapan na nagkahiwalay na diumano ang magkasintahan. Kamakailan ay nagbakasyong mag-isa ang aktor sa Indonesia na dapat daw ay kasama niya si Julia rito. “Dapat kasama ko si Julia niyan, pero nasa family siya ng time na ‘yon and sinulit ko na lang ‘yung time na ‘yon para makapag-relax, makapag isip-isip,” bungad ni Joshua.

Nilinaw ng binata ang isyung nagkahiwalay na diumano sila ng aktres. “Nagkaroon lang kami ng mga mis­understanding pero hindi ho kami nag-break. Kung ano kami no’n, gano’n pa rin kami,” giit ni Joshua.

Isang nagngangalang Dane ang sinasabing naging dahilan ng tampuhan nina Julia at Joshua na pinabulaanan naman ng aktor. Nagkaroon diumano ng palitan ng mensahe sina Joshua at Dane sa Instagram kaya ikinagalit ito ni Julia. “Si Dane? Tito Boy, wala lang po siya. She’s just… wala, wala siya sa buhay ko. Hindi siya naging parte o kahit ano,” paglilinaw ng binata. Hindi rin daw personal na magkakilala sina Joshua at Dane ayon sa aktor. “No, nag-comment ako sa kanya na… kinompliment ko lang naman ‘yung picture eh. Wala namang nangyaring conversation. Siguro kasi Tito Boy, nakahanap ‘yung mga basher ko ng…Hindi kasi madali ‘yung nangyari no’n eh. Ang daming nag-judge,” umiiyak na pahayag ng aktor.

Dahil sa pangyayari ay nag-away sina Joshua at Julia pero agad naman ding nagkaayos ang dalawa. “Yes Tito Boy, naayos. Hindi lang naging madali pero kaya naman. Sobrang okay namin nga­yon. Siguro masasabi ko lang ngayon, masaya ako na nangyari ‘yon. Kasi may mga natutunan ako na ingatan ko ang ginagalawan kong mundo. Kasi hindi siya para sa lahat sabihin. Like for example, may gusto lang akong i-compliment, hindi ko naman flinirt. Kung flinirt ko kasi siya, I would say, ‘Hi, Hello!’ pero hindi. And siyempre nagsisi rin ako Tito Boy na ginawa ko ‘yon kasi nagalit ‘yung mahal ko sa buhay. Yes, sinabi ko sa kanya na siyempre I apologized for what happened and sinabi ko na challenge lang ‘to kaya natin ‘tong malampasan,” emosyonal pa ring pagbabahagi ng aktor.

Mas napalapit umano si Joshua sa Panginoon dahil sa naging problema nila ni Julia at mas naunawaan ng binata kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. “Nagdasal ako no’n Tito Boy, kung bakit nangyari ‘yon. Kasi nagtatrabaho naman ako nang maayos. Di ko alam kung bakit nangyari ‘yon pero siguro may gusto lang iparating sa akin si Lord. May gusto siya na matutunan ko. And narinig ko siya, gusto ko lang din po mai-clear sa lahat and ma-admit ‘yung nangyari,” pagtatapos ni Joshua.

BOY ABUNDA JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with