Pag-iyak  ni Piolo  tinularan  ni Joshua!
Pag-iyak ni Piolo tinularan ni Joshua!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2018 - 12:00am

Pangalawa lamang marahil si Joshua Garcia na nakita sa TV na umiyak ng husto at halos ay hindi makapagsalita nang matanong ng King of Talk Boy Abunda sa programa nitong Tonight with Boy Abunda tungkol sa isyu ng sinasabing pagpi-flirt niya sa isang babaeng fan niya sa social media.

Naging sanhi ito ng kanilang pag-aaway at paghihiwalay.

Bago si Joshua ay nagkaro’n na rin ng ganitong pag-iyak, si Piolo Pascual, maraming taon na ang nakararaan. Pero iba ang isyu na nilinaw niya kumpara sa isa sa bida ng The Good Son na nakita ng lahat kung gaano ka-in love sa kanyang girlfriend.

“May gustong iparating sa akin ang Diyos at narinig ko siya,” sabi ng maga­ling na aktor na handa na sa pagtatapos ng seryeng The Good Son pero, nalulungkot dahil maghihiwalay na sila nina Jerome Ponce, Nash Aguas at McCoy de Leon na naka-bonding niya ng husto habang ginagawa ang serye.

Malalaman na kung sino talaga ang pumatay sa kanyang ama sa serye na isa siya sa mga suspect.

At hindi lamang naman pala si Jerome ang intimidated kay Eula kundi maging si Joshua sa The Good Son at madalas na tinuturuan ang dalawa ng magaling na aktres ng tamang pag-arte para sa mga roles nila at kapag ito naman ang nakasalang sa kanyang eksena ay napapatunganga na lamang ang dalawa sa husay na ipinamamalas nito. Hindi nasasayang ang mga natutunan nina Joshua at Jerome kay Eula dahil dalawa sila sa mga ipinagkakapuring kabataang aktor sa kasalukuyan.

JM kulang pa sa confidence

Nakikisimpatiya ang marami dahil may counse­ling pa pala na pinagdaraanan araw-araw si JM de Guzman. Akala nila ay okay na ito kapag napapanood nila sa Jambayan segment ng ASAP at dahil ipalalabas na ang bago nitong serye na Araw Gabi kasama si Barbie Imperial.

Kulang pa pala kaya bini-build up pa ang confidence niya sa counselling sessions. Dapat siguro gayahin din si JM ng mga nakaranas ng pinagdaanan niyang substance abuse para makabalik din sila ng husto sa kanilang pag-aartista. 

Julia, hindi napangatawanan  ang pagiging asintado

Sayang naman dahil nakakatatlong buwan pa lamang ang Asintado ay may balita nang tatapusin na ito. Nakapanghihinayang dahil okay naman ang kuwento, hindi nga lamang napangatawanan ni Julia Montes ang pagiging asintado niya na pinakakaabangan ng mga followers niya.

Hindi rin siya napapasabak sa aksyon na siyang unang intensyon ng serye. Sina Aljur Abrenica lang at Louise delos Reyes ang nakaranas mag-aksyon. Sina Empress Schuck, Aaron Villaflor, wala lang, nagmistulang mga ekstra. Magaling sanang kontrabida si Lorna Tolentino pero, hindi siya maganda, hindi naalagaaan ang looks niya, ‘di tulad ni Shaina Magdayao. Mukha ngang mara­ming mali sa serye. Pero, sayang talaga si Julia.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with