Angel
Angel
Angel naghahanda na sa pagpalit kay Coco!
(Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

Agad-agad, Leila kailangan ng stylist!

SEEN: Panahon na para i-reinvent ni Paolo Ballesteros ang sarili dahil typecast na siya sa gay roles. Gay uli ang role ni Paolo sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. Bading ang karakter ni Paolo sa lahat ng mga pelikula na siya ang bida.

SCENE: Nagsimula na ang training ni Angel Locsin para sa The General’s Daughter, ang primetime teleserye niya sa ABS-CBN na ipapalit sa FPJ’s Ang Probinsyano.

SEEN: Kailangan ni Leila Alcasid ng fashion stylist dahil napakabata pa niya para magmukhang manang sa mga damit na ipinasusuot sa kanya.

SCENE: Ang tiim-bagang acting ni Aljur Abrenica sa Asintado. Palaging naninigas ang mga panga ni Aljur sa mga eksena niya sa afternon drama series ng ABS-CBN na malapit nang magwakas.

SEEN: Gym buddies si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray at ang kanyang boyfriend, ang model-actor na si Clint Bondad na nangangarap na makuha ng girlfriend niya ang Miss Universe 2018 crown. Six years na ang relasyon nina Catriona at Clint.

SCENE: Pang-promo pa rin para sa My Perfect You ang mensahe ni Gerald Anderson sa bashers nila ng kanyang girlfriend na si Bea Alonzo. “Siguraduhin n’yo muna na perfect kayo” ang mensahe ni Gerald sa detractors nila ni Bea.

SEEN: Banat na banat ang mukha ng American Idol judge na si Lionel Richie na malaki ang utang na loob sa botox. Hindi mababakas sa mukha ni Richie na 68-years old na siya.

SCENE: Dapat tularan ni Mark Herras si Jao Mapa na hindi nagsalita tungkol sa video scandal na kumalat sa Internet. Mahihirapan si Jao na mag-deny dahil gaya ni Mark, kamukhang-kamukha niya ang tampok sa old video scandal na muling lumitaw.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with