^

PSN Showbiz

Ian nakiuso sa pagko-concert ng mga sikat

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ian nakiuso sa pagko-concert ng mga sikat
Ian

Mukhang concert ang requirement at demand para sa mga malaking showbiz personalities ng bansa ngayong buwan. 

Kung tumahimik man si Ian Veneracion mula nang makatapos siya ng serye nila ni Bea Alonzo na A Love to Last, sa pagkanta niya pala ginugol ang kanyang panahon. Kung binusog niya ang mga manonood ng serye niya ng kanyang talento sa pagkanta at pagtugtog ng piano at gitara, ganito ring kasiyahan ang ipinagkaloob niya sa mga supporters niya sa Amerika nang piliin siyang makasama ni Sharon Cuneta sa US Tour nito.

Ngayon ay dito naman ipamamalas ng guwapong aktor ng live ang kanyang musical ta­lents sa concert na Ian In 3 Acts na magaganap sa April 22 sa Grand Pacific Ballroom ng Waterfront Hotel sa Cebu. Susundan ito sa Resorts World Manila sa buwan ng Mayo.

 Marami ang nag-aakala na isang gimik para sa concert ni Ian ang balitang lilipat siya ng network dahil nakita ang isang litrato niya na ka-meeting ang isang bossing ng GMA at isang talent manager. Ipinaliwanag niya na isa lamang iyong dinner date sa pagitan nila ng talent manager na kapitbahay niya at ng kaibigan nito. Ganun lang kasimple pero, naintriga na agad ang ilan.

Marian di na pumapatol

Pati ba ang pagdalo ni Andrea Torres sa pagbubukas ng art exhibit ni Heart Evangelista ay iniintriga? 

Tuloy baka magkaro’n pa ng bad vibes sa pagitan ng reyna at sexy actress ng GMA.

Ano kaya ang nangyari sa rebelasyon ni Heart tungkol sa diumano ay masamang ginawa sa kanya ni Ma­rian Rivera maraming taon na ang nakakalipas? Wala bang reaksyon dito si Marian? Padadaanin na lang ba niya ito sa isang tenga at palalaba­sin sa kabila? Mabuti rin kung dededmahin niya ang ginawa ni Heart, para matapos na ang gulo nila. Nga­yong magpupulitika na ang asawa niya ay dapat iwas iwas na siya sa pakiki­pag-away, para hindi masira ang image niya.

IAN VENERACION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with