^

PSN Showbiz

Maine at Juancho lantaran na ang relasyon!?

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Maine at Juancho lantaran na ang relasyon!?
Juancho at Maine

Valeen Montenegro natipuhan ng pulitiko sa Ilocos!; KZ nakalimutang singer, feeling award winning actress pag bumibirit

Seen: May typo error ang report ni Noli de Castro sa TV Patrol na babalik sa Pilipinas si Mariah “Carry” para sa concert nito sa Smart Araneta Coliseum sa October 26, 2018. Carey ang tamang spelling ng apelyido ni Mariah.

Seen: Umalma ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa balita na kasama ng dalaga na nanood ng concert ng Lany sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes ang kanyang rumored suitor na si Juancho Trivino. Kontrabidang-kontrabida at masamang tao si Juancho sa paningin ng fans nina Maine at Alden.

Scene : Naligwak si KZ Tandingan sa Singer 2018 dahil boring at OA na ang sobrang emosyon na ipinakikita niya habang kumakanta. Dapat may magpaalaala kay KZ na singer siya, hindi award-winning actress.

Seen: Pagkatapos ng successful movie nila na 100 Tula Para Kay Stella, balik-tambalan sina JC Santos at Bela Padilla sa bagong movie project ng direktor na si Jason Laxamana, ang The Day After Valentine’s.

Scene : Ipinagdiwang kahapon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang 52nd birthday niya. Hindi muna tatanggap si Richard ng mga movie at television assignment dahil sa kanyang plano na muling kumandidato bilang alkalde ng Ormoc City sa 2019.

Seen : Natipuhan si Valeen Montenegro ng isang prominent personality sa taping ng summer special ng Bubble Gang sa Ilocos Sur.

Scene : Kasama ni Jasmine Curtis Smith ang kanyang boyfriend na si Jeff Ortega nang magpunta siya sa launch ng blk cosmetics sa Dessert Museum noong Huwebes. Ang blk ang make up line ng kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis.

Seen : Entertaining ang wagas at sosyal na tarayan nina Solenn Heussaff at Rhian Ramos sa mga eksena nila sa The One That Got Away ng GMA 7.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with