^

PSN Showbiz

Aktor sinusunggaban lahat ng raket!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naloloka na ang handler ng isang aktor dahil tanggap ito nang tanggap ng mga raket na hindi ipinagpapaalam sa kanya.

Walang magawa ang handler na pinili na lang na magsawalang-kibo kesa mabawasan ang komisyon niya.

Hindi na sineseryoso ng handler ang aktor, kahit napapahiya siya sa ibang mga kausap dahil nagkakaroon ng conflict sa schedule ng mga project na tinatanggap niya.

Kung tutuusin, hindi kailangan ng aktor ng handler o manager dahil siya mismo ang nakikipag-negotiate sa ibang mga tao na type na kunin ang serbisyo niya.

Anak ni Vicki Belo na si Quark Henares, magpapakasal na rin

Congratulations sa direktor na si Quark Henares at sa kanyang fiancée, ang singer na si Bianca Yuzon.

Engaged to be married na ang dalawa dahil nag-yes si Bianca sa surprise proposal sa kanya ni Quark noong Biyernes.

Dahil direktor si Quark, pampelikula ang eksena ng proposal niya kay Bianca na nagre-rehearse ng kanta nang biglang malaglag ang backdrop at bumulaga ang giant screen na may nakasulat na  “I love you Bianca, will you marry me?”

Shocked na shocked si Bianca sa nabasa niya at sa biglang pagluhod ni Quark na dala ang engagement ring.

Siyempre, botong-boto kay Bianca ang pamilya ni Quark dahil ang nanay nito na si Dra. Vicki Belo ang unang nag-break sa social media ng balita.

Hindi pa nagbibigay sina Quark at Bianca ng ibang mga detalye tungkol sa kanilang plano na pagpapakasal pero sure na malalaman natin dahil very generous ang Belo at Henares family sa pagbabahagi sa media ng mga ganap sa buhay nila.

Tekla kinalasan ng GF!

Break na pala si Tekla at ang kanyang girlfriend pero hindi sinabi ng komedyante ang dahilan ng paghihiwalay nila.

Yes, tunay na lalake at nagpapanggap lamang si Tekla na bading, sa ngalan ng ekonomiya.

Marami ang nagugulat kapag nalalaman nila na babae ang gusto ni Tekla dahil bading na bading ito. Drama lang ni Tekla ang pagiging vaklush dahil dito siya nakilala at minahal ng publiko.

Natsugi rin si Tekla sa Wowowin pero hindi niya nakakalimutan ang big break na ibinigay sa kanya ni Willie sa telebisyon.

Unang nawala si Tekla sa Wowowin dahil sa isyu na lumaki ang ulo niya pero mahigpit na pinabulaanan ng komed­yante.

Sanay na sanay pa naman, Mariah hindi na raw nakahabol sa Lip Sync 

Nakakatawa ang reaksyon ng mga Pinoy sa balita na babalik sa Pilipinas ang American singer na si Mariah Carey para sa concert nito sa October.

Ang sabi ng mga Pinoy, dapat imbitahan si Mariah na maging contestant ng Lip Sync Battle Philippines dahil sanay siya na mag-lipsynch ng mga kanta niya.

Aabot pa ba si Mariah sa show nina Michael V. at Iya Villania? I don’t think so dahil tapos na ang airing ng Lip Sync Battle sa October.

Ang The Clash, ang singing competition show ni Regine Velasquez ang ipapalit ng GMA 7 sa television program nina Michael V. at Iya na one season lang ang commitment sa Kapuso Network.

vuukle comment

QUARK HENARES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with